in

Araw ng Quarantine para sa mga bakunado, itinakda sa 7 araw, sa halip na 10 araw

ako-ay-pilipino

Sa pinakahuling Circular ng Ministry of Health ng Italya na pinirmahan noong nakaraang August 11, 2021, ay nasasaad ang bagong regulasyon at panahon ng Quarantine sa panahon ng pandemic, kasama ang mga bakunado sa pagkakaroon ng contact – close o low risk contact sa positibo

Bakunado at close contact 

Ang mga nakakumpleto na ng bakuna kontra Covid19 nang 14 na araw at nagkaroon ng close contact sa isang positibo, ay kailangang mag-quarantine ng 7 araw, sa halip na 10 araw, mula sa huling araw ng contact sa positibo, at sa pagtatapos nito ay sasailalim sa Covid19 test – molecular o antigene test at kailangan ang resultang negatibo nito. Sa pagkakataong hindi makakapag-test sa pagitan ng ika-7 hanggang ia-14 na araw mula sa huling araw na makasalamuha ang nag-positibo, ay maaaring tapusin ang quarantine makalipas ang 14 na araw, kahit sa kawalan ng Covid19 test – molecular o antigene. 

Bakunado at low risk contact 

Ang sinumang naka-kumpleto na ng bakuna kontra Covid19 nang 14 na araw at nagkaroon ng low risk contact sa isang positibo ay hindi kakailanganing sumailalim sa quarantine ngunit dapat magpatuloy sa pangunahing health protocols – pagsusuot ng mask, paglalagay palagi ng hand sanitizers at social distancing.

Itinuturing na low risk contact ang mga sumusunod:

  • direct contact (face to face) sa isang positibo na ang layo na mas mababa sa 2 metro at mas mababa sa 15 minutos
  • contact sa indoor (halimbawa: classroom, meeting room at hospital waiting room) o pagbibiyahe na may positibo nang mas mababa sa 15 minutos

Hindi bakunado o hindi pa kumpleto o may isang dosis ng bakuna lamang

Ang sinumang hindi bakunado o hindi pa kumpleto o may isang dosis lamang ng bakuna at nagkaroon ng close contact sa isang positibo ay kailangang sumailalim sa 10 araw na quarantine mula sa huling araw ng contact sa positibo. Sa pagtatapos ng quarantine ay kailangang sumailalim sa Covid19 test: molecular o antigene

Kung hindi posible ang sumailalim sa test sa pagitan ng ika-10 hanggang ika-14 na araw, ay posible na isaalang-alang ang pagtatapos ng quarantine period makalipas ang 14 na araw mula sa huling contact sa positibo, kahit sa kawalan ng molecular o antigene.

Samantala, sa low risk contact ay hindi kakailanganin ang sumailalim sa quarantine ngunit dapat magpatuloy sa pangunahing health protocols – pagsusuot ng mask, paglalagay palagi ng hand sanitizers at social distancing. 

Kung positibo

Ang mga Asymptomatic tested positive o positibo ngunit walang sintomas, ay maaaring makabalik sa komunidad matapos ang isolation ng 10 araw, mula sa petsa ng positive diagnostic test. At sa pagtatapos ng isolation, ay kailangan muling sumailalim sa molecular o antigene test. 

Ang mga Symptomatic tested positive, ay maaaring makabalik sa komunidad makalipas ang isolation ng 10 araw mula sa paglabas ng mga sintomas at mayroong negative result sa molecular o antigene test na dapat gawin makalipas ang tatlong araw na walang sintomas (hindi kasama ang sintomas na kawalang ng panlasa at pang amoy). Sakaling mag-positibo ulit sa test makalipas ang 10 araw mula sa araw ng pagkakaroon ng sintomas, ay ipinapayong ulitin ang test makalipas ng 7 araw. 

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 3]

bakuna laban covid19 Ako Ay Pilipino

Third dose ng bakuna kontra Covid19, sinimulan na sa ilang bansa

Green Pass, kailangan ba sa pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral?