in

Assegni al nucleo familiare at maternità na ibinibigay ng mga Comune, bahagyang tumaas ngayong 2019

Bahagyang tumaas ang halaga ng assegno al nucleo familiare per famiglie numerose at assegno di maternita na ibinibigay ng mga Comune sa taong 2019.

Ito ay inilathala sa Official Gazette noong Abril 6, 2019 na nagtatakda ng mga bagong halaga sa pagbibigay ng benepisyo sa taong 2019 na kinikilala ng Artikulo 65 ng Batas 448/1998.

Ang assegno ai nuclei familiari con almeno 3 figli a carico at assegno di maternità ay benepisyong parehong ibinibigay ng Inps mula sa Comune kung saan residente ang aplikante na nasa kundisyong nasasaad sa probisyon, tulad ng pagkakaroon ng itinakdang Isee.

Ang assegno al nucleo familiare per le famiglie numerose o bonus terzo figlio ngayong taon ay nagkakahalaga ng € 144,42 at matatanggap sa loob ng 13 buwan, sa pagkakaroon ng ISEE na hindi lalampas sa € 8.745,26.

Narito ang mga kundisyon kung paano matatanggap ang assegno al nucleo familiare per famiglie numerose (I-click lmang ang link) 

Samantala, ang assegno di maternità mula Enero 2019 ay nagkakahalaga naman ng € 346,00 kada buwan na ibinibigay rin ng Comune sa mga Ina na walang natatanggap mula sa Inps na maternity allowance. sa pagkakaroon ng ISEE na hindi lalampas sa € 17.330,01.

Ang aplikasyon para sa parehong benepisyo ay dapat gawin sa Comune kung saan residente ang aplikante.

Narito kung paano mag-aplay ng assegno di maternità sa Comune

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Postal Voting, binatikos ng mga botante sa Italya

‘Assegno al Nucleo Familiare’ sa Comune, paano mag-aaplay?