Ang itinakdang bagong halaga ng Assegno Nucleo Familiari sa taong 2022 ay inilathala ng Inps, sa pamamagitan ng Circular n. 65 ng May 30, 2022. Ito ay balido mula July 1, 2022 hanggang June 30, 2023 at ito ay matatanggap ng sinumang hindi nakakatanggap ng Assegno Unico Universale mula sa Inps.
Matatandaang simula noong nakaraang March 2022, karamihan ng mga benepisyo para sa mga pamilya ay pinagsama-sama sa Assegno Unico Universale para sa mga dependent na anak o ang tawag sa italyano na ‘figli a carico’.
Sino ang makakatanggap ng Assegno Nucleo Familiari 2022?
Sa pagpapatupad ng Assegno Unico Universale at pagtatanggal ng Assegno Temporaneo, ay kakaunti na lamang ang mga benepisyaryo ng Assegni Familiari. Gayunpaman, ang sinumang walang mga anak ay patuloy na makakatanggap ng Assegni Familiari 2022. Maaari nilang ipadala ang aplikasyon online sa Inps upang ang benepisyo ay matanggap mula July 1, 2022 hanggang June 30, 2023.
Ang Assegni Nucleo Familiare (ANF) ay matatanggap pa rin ng mga sumusunod:
- pamilya na binubuo lamang ng mag-asawa;
- pamilya na binubuo ng kapatid na lalaki o babae at pamangkin na may edad hanggang 18 anyos (kung may kapansanan naman ay walang limitasyon sa edad) kung ulilang lubos at hindi tumatanggap ng tinatawag na ‘pensione ai superstiti‘.
Tandaan na upang matanggap ang ANF 2022 ay mahalagang sa pamilya ay walang kwalipikado o walang sapat na requirements upang matanggap ang Assegno Unico Universale.
Upang matanggap ang Assegni Familiari mula sa July 2022, ang mga public employees na ang pamilya ay nabanggit sa itaas, ay kailangang magsumite ng aplikasyon sa administrasyon. Habang ang mga private employees naman ay kailangang ipadala ang application form online sa website ng Inps: Domande per prestazioni a sostegno del reddito.
Kaugnay nito, inilathala ng Inps ang bagong table ng Assegni Familiari 2022 na balido mula July 1, 2022 hanggang June 30, 2023.
Tandaan na ang halaga ng assegni familiari ay batay sa tatlong bagay:
- kabuuang sahod ng pamilya;
- miyembro ng pamilya na nabanggot sa itaas;
- table ng Inps na nagtatalaga ng halaga ng benepisyong matatanggap
Basahin din:
- Mga dapat malaman ukol sa Assegno Unico Universale
- Assegno Unico e Universale 2022, ang FAQs mula sa Inps