in

Assegno Nucleo Familiare (ANF) para sa mga miyembro ng pamilya na naninirahan sa ibang bansa, aprubado

Itinalaga ng INPS sa pamamagitan ng Circular n.95 ng August 2, 2022 ang mga bagong probisyon ukol sa pagkilala ng Assegno per il Nucleo Familiare (ANF) sa mga dayuhang non-Europeans sa Italya na may hawak na permesso di soggiorno di lungo periodo o permesso unico di soggiorno, para sa kanilang mga miyembro ng pamilya na naninirahan sa sariling bansa o iba pang third countries.

Ang Circular ay resulta ng isang mahaba at mabigat na judicial process hinggil sa pagiging lehitimo ng dating batas na tahasang hindi nagsasama sa listahan ng mga benepisyaryo ng ANF sa asawa at mga anak dahil hindi itinuturing na bahagi ng family unit dahil hindi naninirahan sa Italya.

Ang mga indikasyon ng ahensya, ilang buwan kasunod ng hatol ng Constitutional Court n.67 ng 11 March 2022 ay lubos na kumikilala sa karapatan sa pagtanggap ng ANF ng mga miyembro ng pamilya tulad ng asawa at anak na naninirahan sa ibang bansa ng mga mamamayang dayuhan na nagtatrabaho sa Italya. 

Para matanggap ang allowance, ayon sa Inps, tulad din para sa mga Italyano na may mga miyembro ng pamilya na naninirahan sa ibang bansa, ay isasaalang-alang ang kabuuang kita, ang uri at bilang ng mga miyembro ng pamilya. 

Ipinaliwanag pa ng Inps na kahit ang mga pamantayan sa kalkulasyon ng ANF ay nananatiling pareho. Samakatwid, ang karapatan ay batay sa:

  • Uri ng pamilya. Ang halaga ng benepisyo ay bamababa batay sa pagtaas ng kita at hindi na ibinibigay kapag umabot sa limitasyon na itinakda batay sa uri ng pamilya;
  • Bilang ng miyembro ng pamilya. Kasama sa kalkulasyon ang asawa (hindi hiwalay), kapatid na lalaki, kapatid na babae at apo na wala pang 18 taong gulang, o walang limitasyon sa edad kung may kapansanan, kung sakaling ulila ng parehong mga magulang at hindi nakakatanggap ng survivor’s pension. 
  • Kabuuang kita ng pamilya

Walang Self-Certification para sa ANF ng mga miyembro ng pamilya na naninirahan sa bang bansa

Dahil ito ay tumutukoy sa mga miyembro ng pamilya na naninirahan sa ibang bansa ay hindi maaaring gumamit ng Autocertificazioni. Kakailanganin ang mga dokumento na nagpapatunay ng stato civile (civil status), stato familiare (family composition), at ang kita. Ito ay gagawin sa pamamamgitan ng mga translated at authenticated documents ng Italian embassy sa bansa kung saan naninirahan ang mga miyembro ng pamilya. Samantala, kung ang mga nabanggit ay inisyu ng Consulate/Embassy ay kailangang i-validate ng Prefecture. 

Mula March 1, ANF para lamang sa mga walang anak

Ipinapaalam na mula March 1, 2022, ang simula ng pagpapatupad ng Assegno Unico e Universale, ang ANF ay maaari lamang ibigay sa mga pamilya na walang anak. Gayunpaman, ang mga aplikasyon na isinumite – sa loob ng limitasyon ng limang taong – hanggang Pebrero 28, 2022 – ay para rin sa mga pamilya na may mga anak. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 2]

permesso-lungo-soggiornanti-ako-ay-pilipino

Permesso per lungo soggiornanti, may expiration date na?

Assegni Familiari para sa mga miyembro ng pamilya sa ibang bansa: Maaari bang i-aplay ang mga ‘arretrati’?