in

Assegno Sociale, ang paglilinaw ng Inps ukol sa requirements 2023

Ang Assegno Sociale ay isang tulong pinansyal sa Italya na kinikilala sa mga may edad 67 anyos pataas, at nasa kundisyon ng kahirapan dahil sa kawalan ng kita o may kita man ngunit mas mababa sa limitasyon na itinatakda ng batas taun-taon. Para sa taong 2023, ito ay €6,542.51 para sa personal na kita, at €13,085.02 para sa mga taong may asawa.

Samakatuwid, ito ay isang ayuda na ibinibigay sa loob ng 13 buwan sa halagang € 503.27, at inilalaan partikular sa mga hindi na makakapag-trabaho, o bilang karagdagan sa pensiyon. 

Sino ang maaaring mag-aplay ng Assegno Sociale? 

Hindi lamang ang mga dayuhang may permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti.  Gayunpaman, nananatiling requirement ang 10 taong residency sa bansa. 

Sa Circular ng National Institute for Social Security (INPS) ng December 12, 2022 ay tinukoy na nananatiling hindi nagbabago ang mga may karapatan sa pagtanggap ng assegno sociale at ipinaliwanag rin na sapat na ang pagkakaroon ng residency ng 10 taon para matanggap ang benepisyo, mayroon o wala mang permesso UE per lungo soggiornanti o EU long term residence permit. 

Ang paninirahan ay dapat na tuluy-tuloy sa loob ng sampung taon. Samakatwid, paliwanag pa ng Circular, ang naging paglabas sa bansang Italya ng aplikante ay hindi dapat lalampas ng 6 na buwang tuloy-tuloy at 10 buwan naman sa huling 5 taon.

SAHOD sa ibang bansa: Dapat gawin ang deklarasyon sa pag-aaplay ng Assegno Sociale

Tinukoy din ng INPS, tulad sa kaso ng Reddito di Cittadinanza, para sa mga dayuhan na nag-aplay ng assegno sociale, kakailanganin din ang deklarasyon ng kinita mula sa ibang bansa.

Ang nabanggit na deklarasyon ay dapat na translated at certified ng competent authority ng foreign State. (Atty. Federica Merlo)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Carta Acquisti Alimentare 2023 – Narito ang mga dapat malaman

I’M A BALLER MILAN, pasok sa Final Four ng UISP Lombardia Lega Amatori Fase Gold