Tulad ng itinalaga ng pinakabagong Budget law, ang halaga ng Assegno Unico ed Universale 2023 ay sasailalim sa re-evaluation batay sa inflation. Ang pagtaas ay hindi lamang tungkol sa mga halaga nito kundi pati na rin sa limitasyon ng ISEE na batayan ng halaga ng benepisyo.
Assegno Unico ed Universale per i figli 2023: Narito ang updated Table batay sa halaga ng ISEE
Ang increase ay inaasahang 8.1%. Sa ngayon, ang base ng allowance ay €175,00 bawat buwan, na ibinibigay sa mga pamilyang may ISEE na hindi hihigit sa €15,000. Bukod dito, bumababa ang halaga ng 0.5 habang tumataas ang halaga ng indicator ng €100,00.
Ang pinakamababang halaga ay €50,00 euros para sa bawat menor de edad na anak, sa kawalan ng Isee o kung ang Isee ay katumbas o higit sa €40,000.
Ayon sa iba’t ibang mga ulat, sa bagong re-evaluation, ang mga beneficiaries ay magkakaroon ng higit sa halagang €189,00, hanggang €16,215 ng ISEE, habang ang maximum ay tataas hanggang €43,240, at ang assegno unico ed uiversale ay €54,00.
DSU, dapat i-update
Ang mga nakapagsumite na ng aplikasyon para sa assegno unico uiversale ay hindi na kailangang gawin ulit ito para sa renewal.
Gayunpaman, kakailanganing gawin o magpadala muli ng deklarasyon para sa ISEE familiare. Ito ay upang masuri ang anumang pagbabago sa halagang dapat matanggap mula sa gobyerno.
Gayunpaman, dapat bigyang-diin na ang mga hindi makakagawa ng nasabing deklarasyon, ang halagang matatanggap ay ang minimum amount na itinalaga ng batas para sa assegno unico ed universale.