in

Assegno Unico, extended ang aplikasyon

Inaprubahan ng Konseho ng mga Ministro ang extension sa aplikasyon ng Assegno Unico Temporaneo 2021 hanggang October 31, 2021 para sa mga menor de edad na anak. Narito ang mga detalye. 

Assegno Unico, paano mag-apply

Ang aplikasyon ng Assegno Unico ay maaaring isumite hanggang Oct 31, 2021. Ito ay maaaring ipadala sa website ng Inps sa pamamagitan SPID, Carta d’Identità Elettronica o Carta nazionale dei seriviz, Pin Inps na inisyu hanggang Oct. 1, 2020 at Contact Center. Maaari ring magpunta sa pinagkakatiwalaang Patronato. 

Simple lamang ang proseso. Pagpasok sa website ng Inps ay kailangang ilagay ang codice fiscale ng anak na menoe de edad, suriin ang ISEE kung balido at ilagay ang Iban kung saan matatanggap ang benepisyo.

Ang Assego Unico ay nakalaan sa mga menor de edad ng mga pamilyang walang sapat na requirement para matanggap ang Assegno Unico Familiare tulad ng mga self-employed at mga unemployed.

Assegno Unico at Reddito di Cittadinanza

Ang mga tumatanggap ng Reddito di Cittadinanza ay hindi na kailangang magsumite ng aplikasyon upang matanggap ang Assegno Unico, dahil ang benepisyo ay matatanggap direkta sa carta RdC.

Para sa mga tumatanggap na ng assegno al nucleo familiare, simula July 1, 2021 hanggang December 31, 2021 ay makakatanggap ng karagdagang € 37,50 kada anak, para sa mga pamilya na mayroong hanggang dalawang anak at ng €55,00 kada anak para sa mga pamilyang mayroong mula tatlong anak. Ang nabanggit na halaga ay ibibigay din sa mga anak na may edad 18 hanggang 21 kung nag-aaral. 

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Ferie non godute sa domestic job

Caregiver, kailangan bang gising sa hatinggabi?