Magpapadala na ang Inps simula ngayong araw ng Assegno Unico sa mga kwalipikadong aplikante.
Ito ang inanunsyo ni Minister Elena Bonetti ng Pari Opportunità e la Famiglia, sa pagsasalita ngayong araw sa Kamara kung saan tinalakay ang pangkalahatang sitwasyon ng benepisyo sa bansa.
“Simula ngayong araw – aniya – ay magsisimula ang INPS sa pagpapadala ng benepisyo. Tinatayang aabot sa 6,000 ang ipapadala ngayong araw at sa mga susunod ay ipapadala din ang 415k hanggang bago magtapos ang linggo”.
Kasabay nito ay matatanggap din ng Assegni al nucleo familiare na simula ngayong buwan ay magkakaroon ng bahagyang pagtaas. Halos 50% ng mga menor de edad, ayon sa Istat, ay makakatanggap ng halagang mula € 135 hanggang € 167 kada buwan o mas mataas kung ang bilang ng mga menor de edad ay tatlo pataas.
Ang Assegno al nucleo familiare ay tulong pinansyal na natatanggap ng mga lavoratori dipendenti, kasama ang mga colf at badanti. Samantala, ang mga pamilya na hindi nakakatanggap nito tulad ng mga unemployed at mga self-employed ay ang mga makakatanggap ng assegno unico. (PGA)
Basahin din:
- Anu-ano ang mga requirements sa pag-aaplay ng Assegno temporaneo per i figli?
- Maaari bang pumili sa Assegno unico at Assegno al nucleo familiare (ANF)?
- Assegno Unico per i figli a carico, narito ang mga dapat malaman
- Bagong halaga ng Assegno al Nucleo Familiare simula July 2021, inilathala ng Inps
- Pagtaas sa halaga ng Assegno al Nucleo Familiare, simula July 1, 2021