in

Assegno Unico Universale, sa INPS mobile app 

Inps contact center Ako Ay Pilipino

Ang INPS Mobile app ay lalong pinalawak sa pamamagitan ng isang bagong serbisyo para sa Assegno Unico Universale. Ito ay inanunsyo ng Inps sa pamamagitan ng mensahe bilang 2925 noong July 22, 2022. 

Makaka-access sa serbisyo mula sa mobile device gamit ang SPID, ang digital identity o ang CIE, ang carta d’identità elettronica. Kailangan lamang i-install ang “Inps Mobile” na app at piliin ang “Assegno Unico Universale per i figli a carico”.

Ang serbisyo ay magpapahintulot na magkapagsumite ng bagong aplikasyon at/o ang makonsulta ang isang aplikasyong naisumite na. Bukod dito, possible ring maka-access sa simulation function nito upang malaman ang halaga ng benepisyong matatanggap para sa mga anak na ‘a carico’.

Ang INPS Mobile app ay available sa parehong Android at IOS operating system at maaaring gamitin ng mga mamamayan na may SPID o CIE (Electronic Identity Card). (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 2.5]

Bonus Trasporto, aplikasyon simula September 2022

Tax evasion ng mga colf, paano kinokontrol?