in

AstraZeneca para sa mga over 60 lamang. Pfizer o Moderna, sa ikalawang dosis ng mga under 60.

Ang bakunang AstraZeneca ay inirerekomenda na lamang sa edad 60 pataas. Samantala, ang mga may edad 60 pababa at nabakunahan na ng unang dosis ng viral vector serum ay babakunahan sa ikalawang dosis na Pfizer o Moderna. 

Ito ang naging pahayag ng CTS – Comitato Tecnico Scientifico, na inanunsyo sa ginanap na joint press conference kasama sina Health Minister Roberto Speranza, Extraordinary Commissioner Gen. Francesco Paolo Figliuolo, CTS Coordinator Prof. Franco Locatelli at si CTS Spokesperson Prof. Silvio Brusaferro. 

Pfizer o Moderna, second dose ng mga under 60

«Inirerekomenda ng CTS na ireserba ang mga dosis ng AstraZeneca para sa mga may edad na 60 pataas. Samantala, para sa mga under 60 ay inererekomenda ang bakunang mRna”.  

Ang CTS sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa AIFA  – Agenzia Italiana del Farmaco, at ibang institusyong pangkalusugan sa bansa ay minabuting baguhin ang indikasyon ukol sa paggamit ng AstraZeneca. Ito ay matapos mamatay ang 18 anyos na si Camilla Canepa kahapon, June 10, 2021 matapos mabakunahan ng AstraZeneca noong May 25 sa Open day over 18 sa Genova Liguria, at ayon sa mga ulat ay may ‘mahalagang’ karamdaman na. Bukod dito ay nagtala din ng ilang kaso ng thrombosis, bagaman hindi malala, matapos mabakunahan. 

Para sa pangalawang dosis ay napagpasyahan na magbigay ng rekomendasyon: na gamitin ang parehong bakuna sa mga over60s, habang para sa mga may edad 60 pababa o mga under60s, kahit sa kawalan ng dahilang dapat ipag-alala, ang rekomendasyon ay ang bakunang mRna.  

Ang rekomendasyon ito ng CTS ukol sa bakuna ay sisiguraduhin ng gobyernong maipatupad sa bansa at hindi manatili bilang rekomendasyon lamang”, ayon kay Helath Minister Speranza. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 8 Average: 3.5]

Ako ay Pilipino

Side effects ng Pfizer, narito ang mga dapat malaman

Emilia Romagna, Lazio, Lombardia, Piemonte, Puglia at PA di Trento, zona bianca na rin