in

Astrazeneca, pinaghihinalaang may dulot na masamang side effect

Ako ay Pilipino

Pinaghihinalaang may dulot na masamang side effect ang mga dosis ng bakunang AstraZeneca mula sa batch ABV2856 na hinarang ng Agenzia Italiana del Farmaco o AIFA.

Sa katunayan, kasalukuyang sinasamsam sa buong Italya ang mga dosis na kabilang sa batch na nabanggit matapos ang kahina-hinalang pagkamatay ng isang militar na 43 anyos, isang araw matapos mabakunahan ng Astrazeneca. 

Ayon sa Italian Ministry of Health, ang mga rehiyon ng Italya ay gumagawa na ng mga hakbang upang bawiin ang mga dosis ng nabanggit na batch ng AstraZeneca. Gayunpaman, ayon sa ilang lokal na awtoridad sa kalusugan, tulad ng Abruzzo at Molise, ay nagsabing walang naitalang anumang masamang side effects sa mga pasyente na nabigyan ng dosis mula sa batch na hinarang ng AIFA.

Ayon pa sa Ministry of Health, ang Istituto di Superiore di Sanità ay agarang nagsasagawa ng lahat ng mga kinakailangang mga pagsusuri upang masigurado ang kalidad at kasiguraduhan ng mga dosis na kabilang sa batch na nabanggit. 

Kaugnay nito, suspendido sa loob ng dalawang linggo ang pagbabakuna ng Astrazeneca sa Denmark dahil sa mga naiulat na pamumuo ng dugo sa mga nababakunahan nito at isang naitalang nasawi matapos magkaroon ng pamumuo ng dugo nang mabakunahan.

Gayunpaman, paliwanag ng Danish Ministry of Health na kinakailangang maimbestigahang mabuti ang insidente upang masabing may kaugnayan sa pagbabakuna ng Astrazeneca ang mga napaulat na pamumuo ng dugo at pagkamatay.

Bukod sa Denmark ay ipinatigil na rin ng Austria ang pagtuturok ng nasabing bakuna habang iniimbestigahan ang mga insidente ng pagkamatay dahil sa pamumuo ng dugo o pagbara ng namuong dugo. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Positivity rate, tumaas sa 6.9%. Siyam na rehiyon, marahil sumailalim sa zona rossa.

Bagong dekreto anti-Covid19 sa Italya, narito ang nilalaman