in

Asylum seekers, nangalahati sa taong 2017

Sa taong 2017, 650,000 ang bilang ng mga asylum seekers na nagsumite ng aplikasyon para sa international protection sa mga Member States ng EU. 

 

 

Sa taong 2017, 650,000 ang bilang ng mga asylum seekers na nagsumite ng aplikasyon para sa international protection sa mga Member States ng EU.

Ito ay higit lamang sa kalahati ng bilang ng naitala noong 2016, 1.206,500 at ito ay maihahalintulad noong 2014, bago sumapit ang mga taong 2015 at 2016 kung kailan naitala ang pinaka matataas na bilang ng asylum seekers. 

Ayon sa inilathala ng Eurostat, ang  European Union Statistical Office, nooong March 20, 2018, pawang mga Syrians, Iraqis at Afghans ang patuloy na pangunahing mga aplikante. Sila ay kumakatawan sa halos 30% ng kabuuang bilang ng mga aplikasyon. 

Pumapangalawa ang Italya sa distribusyon ng bilang ng mga seekers kung saan mayroong 126,000 natanggap na aplikasyon, o 20% ng kabuuang bilang. Karamihan ng mga aplikante (24,950) ay may Nigerian passport. Sinundan ng mga Bangladeshi 12,125 at Pakistan 9.470. 

Nangunguna naman ang Germany, na nakatanggap 198,300 aplikasyon o 31% ng kabuuang bilang.  

Pumapangatlo ang France na mayroong 91,1000 aplikasyon o 9% ng kabuuang belang. Sinundan ng Greece, may 57,000 aplikasyon o ang 9%; United Kingdom 33,300 aplikasyon o 5% ng kabuuang bilang at Spain na may 30,400 aplikasyon o 5%. 

Greece ang nakakatanggap ng higit na bigat nito dahil sa populasyon: 5,295 aplikasyon sa bawat isang milyong residente.

Samantala, kung biglang bumaba sa bilang ng mga asylum seekers ay nananatiling marami pa rin ang mga nakabinbing aplikasyon. Sa katunayan, sa pagtatapos ng 2017, ay 927,300 pa rin ang mga aplikasyon na naghihintay na masuri ng National Institution of Member States. Halos kalahati ng mga ito ay para sa Germany (48%). Gayunpaman, ang bilang ay higit na mataas noong 2016 at halos umabot sa 1,094.100 ang naghihintay ng kasagutan. 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mauro, itinalagang bagong Philippine Ambassador to Brazil

LAWIN Guardians Int’l Peacemaker Rome Chapter, nagdaos ng ikalawang anibersaryo