in

ATAC at AMA, sa isang mega strike sa Roma bukas

Magsasanib pwersa ang ATAC at AMA para sa isang mega strike sa Roma bukas.

Ang mega strike na inanunsyo ay 24 oras at kasali sa welga ang pangongolekta ng basura ng AMA,  at ang transportasyong publiko ng ATAC. Nanganganib din na magsara bukas ang mga paaralan at museum pati na rin ang mga farmacie comunali at ilang publikong tanggapan.

Ang malawakang strike ay isang national strike sa pangunguna ng malalaking unyon sa bansa kasama ang SGB (Sindacato Generale di Base) at CUB (Confederazione Unitaria di Base)  at nakiisa ang mga lokal na unyon tulad ng CGIL, CISL, UIL at UGL.

Sa isang press release ay binanggit ang iba’t ibang dahilan ng mega strike, kasama na dito ang paghingi sa increase sa sahod at pensyon, pagbabasura sa Job’s Act, pagbibigay ng trabaho sa lahat, pagbawas sa oras ng trabaho at pagbibigay na pantay na sahod, pagbabasura sa Fornero at pagtatalaga sa pensionable age na 60 anyos at 35 taon ng kontribusyon.

Gayunpaman, garantiyado naman sa Roma ang public transport mula alas 5:30 hanggang 8:30 ng umaga at mula alas 5:00 ng hapon hanggang alas 8:30 ng gabi.

Kahit sa Milan, Napoli, Torino, Bologna at Firenze ay magaganap dina ng strike na nabanggit.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

permesso-lungo-soggiornanti-ako-ay-pilipino

Contratto indeterminato, obligado sa pag-aaplay ng EC long term residence permit?

Philippine team, sasabak sa Karate Martial Arts World Cup sa Montecatini Terme