in

Autocertificazione, ang ika-apat na form. Narito ang mga pagbabago

Autocertificazione paano sasagutan Ako ay Pilipino

Tatlong araw matapos ilabas ang ikatlong pagbabago ng kilalang autocertificazione ay naglabas muli ang Ministry of Interior ng ika-apat na form.

Kailangang palitan muli ang autocertificazione dahil sa bagong decreto legge na inilathala sa Official Gazette”, ayon sa Ministry of Interior

Ang unang punto sa deklarasyon ay ang ukol sa hindi pagsasailalim ng home quarantine dahil positibo sa coronavirus. 

Ikalawa ay ang deklarasyong alam ang pinaiiral na paghihigpit laban sa pagkalat ng virus hanggang sa araw na kasalukuyan at pinagtibay ito alinsunod sa mga artikulo 1 at 2 ng decreto legge. Sa katunayan, malinaw na mababasa ang “limitasyon sa paglalakbay sa buong bansa”. 

Sa pinakahuling form ay nasasaad ang decreto legge n. 19 ng March 25, 2020. 

Bukod dito ay dine-deklara din na alam ang mga “karagdagang limitasyon” na itinakda ng mga Rehiyon. Sa katunayan sa kaso ng paglalakbay mula sa isang rehiyon patungo sa iba ay kailangang ilagay ang address ng panggagalingan at ang destinasyon

Hanggang March 24, nakapag control kami sa 2 milyon at kalahati katao at sa bilang na ito ay 110,000 katao ang lumabag“, ayon kay Franco Gabrielli, ang Head of Police.

Sa artikulo 4, ayon pa kay Gabrielli, ay nasasaad na wala na ang criminal offence bagkus ay papatawan ng multa mula € 400 hanggang € 4000 at maaaring tumaas pa batay sa gagamiting sasakyan. Samantala, pagkakakulong naman mula 3 hanggang 18 buwan at multa mula € 500 hanggang € 5,000 sa paglabag sa quarantine.

 I-click lamang para sa pdf form ng bagong autocertificazione. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bakit kailangan natin sumunod sa mga panuntunan ng social distancing at ano ang sinasabing “flatten the curve”?

Isang Doktor, ang unang Pilipinong biktima ng Covid19 sa Paris