in

Autocertificazione, paano ang nasa ‘lavoro nero’?

Lalong pina-iigting ang paggamit ng ‘autocertificazione’ sa pagpapatupad ng decreto ‘Io resto a casa’ na inaasahang ipatutupad hanggang April 3.

Ang form o modulo ng autocertificazione ay kailangang gamitin ng bawat mamamayan bilang patunay ng dahilan ng paglabas ng bahay. Matatandaang ang pinahihintulutang dahilan ay para sa trabaho, emerhensya at ibang mahahalagang bagay tulad ng pamimili, pagbili ng gamot at iba pa. 

Makikika ang form o autocertificazione sa link na ito mula sa Ministry of Interior. May kopya din nito ang mga awtoridad sa oras ng kontrol ngunit ipinapayo ang pagdadala ng filled-up form na handa na sa oras ng kontrol. Gayunpaman, huwag lagyan ng petsa at ito ay ilagay na lamang sa harap ng awtoridad sa oras ng kontrol.

Paano na ang mga walang regular na contratto di lavoro at nasa ‘lavoro nero’?

Sa Italya ay laganap ang lavoro nero o walang regular na employment contract, partikular sa domestic job. Bukod dito ay marami ding undocumented o walang regular na dokumento. 

Kaya’t katanungan ng marami kung ang autocertificazione ay maaari bang gamitin para sa ibang administrative reasons. 

Sa nasabing autocertificazione ay pinatutunayan ng sinumang nananatiling nagpupunta pa rin sa trabaho sa mga panahong ito, na ang dahilan ng sirkulasyon o paglabas ng bahay ay para sa dahilan ng trabaho.  May regular na employment contract man o wala, ay tunay na ang dahilan ng paglabas ay ang pagpunta sa trabaho at ito ay hindi isang paglabag sa ipinatutupad ng decree. 

Ikalawa, nasasaad din sa autocertificazione na tanging layunin nito ay batay sa pagpapatupad ng decreto Io resto a Casa at ang pagbibigay ng karampatang parusa sa paglabag sa nasabing batas. Samakatwid, ay kailangang gawin ang autocertificazione bilang patunay sa awtoridad ng pagpunta sa trabaho at walang paglabag na ginawa

Gayunpaman, para sa mga undocumented ay ipinapayo ang paghahanda na ng filled-up form upang maiwasan ang higit pang katanungan mula sa awtoridad. 

Samantala, sa mga walang printer, ipinapayo ang isulat ito sa kamay o gumawa ng handwritten autocertificazione upang handa sa anumang kontrol. Ito ay nagpapatunay lamang na ang kawalan ng printer ay hindi hadlang sa mga pinaiiral na batas.

Kaugnay dito, nananatiling pangunahing payo ang manatili muna sa kanya-kanyang tahanan

Batay sa datos ng mga awtoridad sa pamamagitan ng Minstry of Interior, umabot sa 106,659 katao ang mga nakontrol sa araw ng March 11 sa buong bansa at naitala naman ang 2,162 katao ang mga nai-report. (PGA

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy patay matapos mabaril ng pulis sa Milano Ako Ay Pilipino

Sampung Pinoy, nireklamo dahil sa “jamming session” sa isang bahay

“Io resto a casa”, gawing positibo at produktibo ang pamamalagi sa tahanan