Sa Pasko, ang sinumang nais na lumabas mula sa Comune kung saan kasalukuyang naninirahan ay maaaring lamang gawin ito sa dahilan ng trabaho, kalusugan at pangangailangan.
Matatandaang sa Decreto Natale ay nasasaad na sa Dec 25, 26 at Jan 1 ay bahagi ng bagong restriksyon ay ang pagbabawal ng paglabas o pagpunta sa ibang Comune, maliban na lamang sa mga dahilang pinahihintulutan.
At ang pagbisita sa magulang, miyembro ng pamilya o malapit na kaibigan na non- autonomous o dependent, at nangangailangan ng tulong sa araw ng Pasko, ay kabilang sa may pahintulot. Paalala, sa pagkakataong tulad nito ay kakailanganin ang Autocertificazione.
“Binigyang-diin na kabilang sa mga pangangailangan o necessity, kung saan kakailanganin ang form ng Auticertificazione, ang pagpunta sa magulang, kamag-anak o kaibigan na hindi non-autonomous o non autosufficiente para tulungan sa mga pangangailangan”. Ito ang paglilinaw na nasasaad sa Circular ng Viminale para sa mga Prefetti. (PGA)
Basahin din:
- Decreto Natale, narito ang nilalaman
- Paano ipagdiriwang ang araw ng Pasko, batay sa decreto Natale
- Autocertificazione, kailangan gagamitin?
- False declaration sa Autocertificazione, isang krimen