Rome – Isang Pinay na babysitter ang umaming iniwan ang alagang bata sa hardin ng ilang sandali lamang. Ngunit ang ilang minutong iyon ay naging sapat para sa isang batang labing anim na buwan upang gumapang at umabot sa swimming pool na naging dahilan ng pagkalunod at pagpanaw nito sa villa sa Via Grottarossa 1282.
Ayon sa mga report, bandang alas tres y medya kahapon ng maganap ang aksidente. Ang Pilipina mismo ang tumawag sa ambulansya na dumating naman sakay ng helicopter makalipas lamang ang ilang minuto. Sa kasamaang palad, ang 30 minuto pagtatangkang masagip ang batang si Anna ay hindi naging matagumpay.
Hindi naging madali sa ama ng bata ang mga pangyayari na si Massimiliano Neroni, isang doktor at direktor ng San Giovanni Hospital nakasalukuyang nasa ospital ng maganap ang insidente.
Ang Pilipina, may sapat na dokumentasyon upang manatili ng bansa, ay maaaring sumailalim sa isang imbestigasyon upang alamin kung alin ang mga dahilanan ng kanyang paglayo at naiwang mag-isa ang bata.
Ayon sa mga pulis, malinaw na ang mga pangyayari ay isang aksidente ngunit nanganganib ang Pilipina sa kasong hindi pagganap sa kanyang mga tungkulin.