in

Back-to-school – Gelmini “Integrasyon sa bawat klase”

Kabilang ang 700,000 anak ng mga migrante sa muling pagbubukas ng eskwela kahapon. “Kung saan mayroon lamang o halos puro dayuhang mag-aaral lamang, ay walang integrasyon”, ayon sa Ministro. Samantala, protesta naman ng PD (Partito Democratico) sa Via Paravia sa Milan.

altRome – Muling nagsimula ang eskwela sa buong Italya kahapon at muling nagbalik sa paaralan ang halos 8 milyong mga mag-aaral, kabilang ang 7 daang libong mga dayuhang mag-aaral.

Kailangang ipatupad, kahit ngayong taong ito, ang mga pahayag ng Ministry of Education na hindi dapat lumampas sa tatlumpung porsiyento ang mga dayuhang mag-aaral sa bawat klase. Ang pagpapatupad nito gayunpaman ay hindi naman naging mahirap sa mga pangunahing lungsod ngunit naging mahirap sa mga lugar kung saan maraming naninirahang migrante.

Isang kaso lamang ang naitala sa Milan, kung saan ang unang baitang ng elementarya ng “Lombardo Radice” ng Via Paravia ay mayroong labingpitong mag-aaral na dayuhan at dalawa lamang ang mayroong italian citizenship. Ang mga mag-aaral ay napilitang ilipat sa ibang paaralan sa kadahilanang hindi maaaring ipatupad ang tagubilin ng ministry.

Isangdesisyon na naging sanhi ng mainit na usapin at marahil, matapos ang mga reklamo mula sa mga magulang ay matatapos lamang sa hukuman ang isyu.

Ang kaso ay binalikan ng ministro ng edukasyon na si Mariastella Gelmini, bilang isang panauhin ng programa sa telebisyon “Mattino Cinque”. “Ang Lombardo Radice -paliwanag nito – ay binubuo ng dalawang gusali:  Sa una ay matatagpuan ang klaseng umabot sa 30 % ang mga dayuhang mag-aaral. Sa kabila naman, na may layong isa’t kalahating kilometro lamang, ay hindi umabot sa 30%. Ang mga mag-aaral ay hinati ng walang sinumang isinantabi upang tiyakin na ang lahat ng mag-aaral ay makakapasok ng paaralan”.

Ayon kay Gelmini, “Ang 30 porsyento ay kinakailangan upang tunay na makita ang intergrasyon at hindi ang pagkakaroon ng mistula ‘ghetto’, ito ay hindi makakatulong sa mga mag-aaral maging Italyano man o dayuhan. Mayroong mga taong nagsasalita ukol sa integrasyon, ngunit hindi ito isinasabuhay ng kongkreto, ilang panahon na rin na mayroong mga klase na puro o halos lahat ay mga dayuhan at dahil dito ay hindi magkaroon ng magandang kundisyon ng integrasyon”, dagdag pa ng ministro.

Samantala, sa kabila ng mga kahilingan at protesta ng mga magulang, ang Grade 1class ng Lombardo Radice ay sarado kahapon. Sa harap ng eskwelahan, gayunpaman, ay nag protesta ang PD “upang muling buksan ang Grade 1 class at humingi ng tulong upang dumami ang magpa-enroll dito at hindi tuluyan mawala ang inumpisahang magandang integrasyon sa paaralan”, ayon kay Diana De Marchi, isang provincial councilor ng PD.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pagtatanggal sa mga walang trabaho at mga refugees sa intership o stage, hindi dapat!

Parada ng ‘Blood and Honour’, gaganapin sa Roma