Nasa sirkulasyon simula April 4 ngayong taon ang bagong 50 Euros banknote na iniharap ng European Central Bank sa Frankfurt noong nakaraang taon.
Marso 17, 2017 – Matapos ilabas ang mga bagong series ng banknote ng 5, 10 at 20 euros, ay ilalabas naman ang 50 euros banknote ng second series ng euros na tinawag na ‘Europa’.
Sa lahat ng mga euro banknotes, ang 50 euros ay ang pinaka-gamitin at ito ay kumakatawan sa 45% ng lahat ng banknotes sa sirkulasyon, ayon sa ECB. Dahil dito, ang bangong banknote ay nagtataglay ng mga advanced security characteristics upang hindi magaya at mapeke.
Gayunpaman, ang unang series ng mga banknote ng 5, 10, 20 at 50 euros ay mananatili sa sirkulasyon at mananatiling balido hanggang sa italaga ang petsa ng pagpapawalang bisa sa mga ito.