Handa na ang bagong gobyerno upang gawin ang bagong batas sa imigrasyon.
Nagpahiwatig na ang bagong gobyerno ng pagiging handa sa isang bagong batas sa imigrasyon na magtutulak sa Europa na balikan ang Dublin Treaty.
Bukod dito, nagpakita rin ng hangarin ang M5S at PD na baguhin ang Decreto Sicurezza-bis na ipinaglaban mismo ni dating Minister of Interior, Salvini. Ito ay inaasahang magpapalambot umanosa ‘bakal na kamay’ na kasalukuyang namamayagpag sa mga karagatan.
Maging sa talumpati ni Giuseppe Conte sa Colle ay ipinakilala ang bagong alyansa bilang isang inclusive na gobyerno at nagpahiwatig ng iisang direksyon ukol sa pagtanggap sa mga migrante at refugees.
Gayunpaman, ay hindi pa nababanggit ang isang Sanatoria o regularizasyon ng mga undocumented na naninirahan sa Italya. Ang paksang ito marahil ay haharapin sa mga darating na buwan.
Kaugnay nito, kinumpirma ni Graziano Delrio, ang party head ng matapos ang 3 oras na talakayan ng ukol sa programa, na bahagi umano ng programa ang isang bagong batas sa imigrasyon.
“Hindi pinag-usapan ang Ius soli bagkus ay isang bagong batas na layuning harapin ang imigrasyon hindi bilang isang emerhensya”, aniya.