Nasasaad sa Decreto Aiuti ang isang bagong bonus para sa mga manggagawa – employed at self-employed – at mga pensionado. Ito ay nagkakahalaga ng € 200 at matatanggap sa taong 2022, batay sa sahod. Narito kung paano at kailan dapat mag-aplay.
Sa inaprubahang decreto aiuti 2022 ng gobyerno ni Draghi ay makakatanggap ng bagong bonus na nagkakahalaga ng €200,00 ang mga pensioners at workers. Ito ay matatanggap sa busta paga, batay sa sariling sahod.
Layunin nito ang makatulong sa pagbabayad ng mataas na bayarin sa mga house bills at ang patuloy na inflation. Ito ay isa sa mga hakbang na ipatutupad laban sa krisis sa enerhiya, na nauugnay sa digmaan sa Ukraine. Kabilang sa iba pang hakbang ay ang pagpapalawig ng social bonus para sa kuryente at gas, at ang pagpapalawig na babaan ang halaga ng excise tax sa petrolyo.
Sino ang dapat mag-aplay? Ano ang limitasyon sa sahod?
Ang bagong bonus ay matatanggap ng isang beses lamang sa taong 2022. Ito ay matatanggap sa pamamagitan ng busta paga ng mga lavoratori dipendenti, bilang kita ng mga self-employed at cedolino ng mga pensioners. Ayon sa pagtatantya na inilabas ni Punong Ministro Mario Draghi humigit kumulang sa 28 milyong katao ang makakatanggap nito.
Ang halaga ng bonus ay pareho para sa lahat. Ito ay nakalaan sa mga mayroong sahod o kita hanggang €35,000.00 sa isang taon.
Ayon sa mga unang ulat, hindi umano isasaalng-alang ang ISEE bagkus ay ang personal gross income, ibig sabihin, ang kinita sa nakalipas na 12 buwan. Sa ganitong paraan, sa isang pamilya, ang bonus ay maaaring matanggap ng isa o higit pang miyembro.
Paano at kailan dapat mag-aplay?
Sa katunayan ay hindi kakailanganin ang mag-apply para matanggap ang € 200 bonus. Ito ay awtomatikong matatanggap sa busta paga ng mga lavoratori dipendenti at sa cedolino ng mga pensyonado. Hindi pa malinaw kung paano matatanggap ng mga self-employed.
Kailan matatanggap ang bagong bonus?
Wala pang petsa kung kailan matatanggap ang bonus ngunit inaasahang ito ay matatanggap sa busta paga at cedolino sa buwan ng Hunyo at Hulyo ngayong taon.
Hinihintay ang paglalathala ng bagong dekreto sa Official Gazette. (PGA)
Basahin din:
- Kailan bababa ang presyo ng gasolina at diesel sa Italya? Ano ang nasasaad sa Decreto Energia?
- Bonus bollette 2022, mas dadami ang makakatanggap