Pinirmahan na ang bagong Contratto Collettivo Nazionale sa domestic sector na nag-expire noong 2016. Ito ay magkakaroon ng bisa simula October 1, 2020 at mananatiling balido hanggang December 31, 2022.
Ang bagong kasunduan ay para sa humigit-kumulang 860,000 mga regular na manggagawa sa sektor, at marahil ay aabot sa 2 milyon kung isasaalang-alang ang kalkulasyon ng huling Regularization.
Ang bagong CCN sa domestic sector ay naglalaman ng mga mahahalagang pagbabago sa regulasyon at organisasyon upang madagdagan ang propesyonalismo ng mga manggagawa, pati na rin ang usapin ukol sa karagdagang sahod.
Ang nilalaman ng bagong CCN sa Domestic sector
- Increase sa buwanang sahod ng € 12 sa level B Super simula January 1, 2021;
- Bagong sistema ng kompensasyon mula Oct 1, 2020 – mula € 100 hanggang € 116 – bilang karagdagan sa minimum wage ng mga babysitters o nag-aalaga ng mga bata hanggang 6 na taong gulang at mga caregivers na nag-aalaga naman sa mga non auto-sufficienti o non-autonomous patients bilang pagkilala sa bigat ng kanilang trabaho.
- Sa mga workers na mayroong Certificazione di Qualità ay magkakaroon din ng karagdagang € 10 kada buwan ang sahod.
- Pagkakaroon ng iisang lebel o antas, ang bs ng mga baby sitter;
- Nirebisa din ng bagong kasunduan ang contratto individuale di lavoro (mula sa formalization ng hiring sa pamamagitan ng lettera di asunzione na naglalaman ng lebel o antas, ang trabaho, weekly day off batay sa relihiyon), ang hiring – tempo determinato – batay sa nasasaad sa batas, ang probationary period at ang permit to stay at ang renewal nito pati na rin ang family reunification process o ang ricongiungimento familiare.
- Pagtatalaga ng mga ‘assistenti familiari’ na may 4 na antas at bawat antas ay may angkop na halaga ng sahod, batay sa kaalaman at kakayahan ng worker. Ang tawag na ito ang papalit sa salitang colf, badanti at babysitter.
- Pagtatalaga ng mga ‘educatori formati’ na may mahalagang bahagi sa sektor. (PGA)
Basahin din:
- Antas o lebel sa domestic job ayon sa CCNL
- Pagkakaroon ng sertipiko o ‘patente di qualità’, bagong regulation sa domestic job
- Ang bagong Contratto Collettivo del Lavoro Domestico