in

Bagong Covid-19 variant, natuklasan sa South Africa. Italya, nagpatupad ng travel ban sa 8 bansa.

Isang bagong variant ng Covid-19 ang natuklasan sa South Africa ang kinatatakutan sa kasalukuyan. Ito ay B.1.1.529 na itinuturing na ‘under monitoring‘ sa variant classification ng WHO. Nadiskubre ito noong Nov. 23, 2021. 

Bagaman limitado pa lamang ang impormasyon ukol dito ayon sa WHO, nagtataglay ito ng maraming mutations na pinangangambahang may epekto sa behavior ng virus.Pinangangambahan ring mas nakahahawa ang bagong Covid-19 variant na ito na may kakayahang matakasan ang immune response ng katawan.

Nagsasagawa din ng mga pag-aaral sa kasalukuyan upang malaman ang higit pang epekto nito sa bisa ng bakuna at gamot kontra covid19. 

Gayunpaman, ilang linggo pa ang kakailanganin upang makalap ang mga impormasyon ukol sa variant na ito. 

Kaugnay nito, sa pamamagitan ng isang ordinansa na pinirmahan ni Health Minsiter Roberto Speranza, ang Italya ay agad na nagpatupad ng travel ban sa walong bansa. Hindi papahintulutan ang pagpasok sa bansa sa sinumang sa huling 14 na araw ay nanatili sa South Africa, Lesotho, Botswana, Zimbabwe, Mozambique, Namibia at Eswatini. Pagkatapos ay idinagdag ang Malawi. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 2.3]

permesso-lungo-soggiornanti-ako-ay-pilipino

Mula Carta di Soggiorno sa Permesso UE per lungo soggiornanti, ano ang pagkakaiba?

Mayroon bang bagong Green pass pagkatapos ng booster dose?