in

Bagong Covid protocol simula January 2023 

Patuloy na pinagagaan ang Covid protocol sa Italya. 

Simula January 1, 2023 ay bagong regulasyon ang ipatutupad ukol sa haba ng panahon ng quarantine ng mga positibo at ang mandatory swab test sa pagtatapos ng isolation. Ang mga nabanggit ay nasasaad sa circular Ministry of Health na inilathala noong December 2022.

Panahon ng isolation at swab test ng mga positibo sa Covid

Simula sa January 1, ayon sa bagong protocol, kung mag-positibo sa PCR o rapid test ay kailangang sumailalim sa home isolation ng limang (5) araw matapos ang unang test – kung wala ng sintomas nang 2 araw. 

Hindi na kinakailangang mag-covid test ulit para sa pagtatapos ng home isolation. 

Gayunpaman, mandatory ang pagsusuot ng FFP2 mask hanggang sampung (10) araw mula sa simula ng sintomas o mula sa unang araw na nag-positibo. 

Inirerekomenda din ng circular ng Ministry of Health ang iwasan ang matataong lugar at pati ang mga taong ‘fragile’ upang maiwasan ang makahawa.

Para naman sa mga asymptomatic, nasasad na ang home isolation ay posibleng magtapos kahit bago ang limang (5) araw, matapos ang negative test. 

Mandatory mask at Green pass 

Ayon sa circular ng Ministry of Health na nilagdaan noong Disyembre 29, ang obligasyon na magsuot ng surgical mask sa mga pumupunta sa mga ospital, nursing home at lahat ng mga health facilities ay nananatiling may bisa hanggang April 30, 2023. Samantala, ang green pass para sa access sa mga nabanggit na lugar ay tuluyan nang inalis.

Direct contact sa positibo sa Covid, ano ang gagawin?

At ano ang dapat kung nagkaroon ng direct contact sa isang positibo? Halimbawa, kung ang magulang ay positibo sa Covid, maaari bang pumasok ang anak sa paaralan? 

Halos walang pagbabago. Kung sakaling nagkaroon ng direct o close contact sa isang positibo sa Covid, at wala naming sintomas, ay hindi mandatory ang mag-quarantine. Nasasaad pa rin ang tinatawag na autosorveglianza o self-monitoring’ sa circular n Ministry of Health. Ito ay para din sa mga pumapasok sa paaralan. Ayon sa protocol, kailangan ang magsuot ng mask FFP2 ang sinumang nagkaroon ng contact sa positibo sa Covid ng 5 araw (hindi na 10 araw), sa indoor area o sa kaso ng assembramento, ngunit hindi na kailangan sumailalim sa quarantine. 

Gayunpaman, ipinapayo ang ang mag swab test kung makakaramdam ng sintomas. Ang mga health operators ay kailangang mag-swab test araw-araw hanggang ikalimang araw. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ipinakilala, bagong itinalagang Consul General Elmer G. Cato ng PCG Milan

caregivers

Employers, makakatanggap ng Bonus para sa hiring ng mga colf at caregivers