Inaprubahan ng Konseho ng mga Ministro ang bagong dekreto anti-Covid19 na ipatutupad simula April 3 hanggang April 30. Narito ang nilalaman.
Muling pagbubukas ng mga paaralan
Magbubukas ulit ang mga paaralan at magbabalik klase ang mga mag-aaral hanggang prima media sa zona rossa. Samantala, may klase hanggang terza media sa zona arancione at sa Superiore naman ay 50% . Bukod dito, sa bagong dekreto, ang mga presidente ng mga Rehiyon, ay hindi na maaaring magpatupad ng mas mahigpit na ordinansa upang i-suspinde ang mga klase.
Pasqua
Simula April 3 hanggang April 5 (tulad ng nasasaad sa kasalukuyang dekreto) ang buong Italya ay sasailalim sa zona rossa.
Basahin din:
- Zona rossa, narito ang regulasyon sa Easter
- Bagong dekreto anti-Covid19 sa Italya, narito ang nilalaman
Tinanggal ang Zona gialla hanggang April 30, 2021
Hanggang April 30 ang mga Rehiyon ay sasailalim sa zona rossa at zona arancione. Gayunpaman, nasasaad sa dekreto ang pagsusuri sa kalahatian ng Abril: kung ipapahintulot ng sitwasyon, ang posibilidad ng pagbubukas halimbawa ng mga bar at restaurat, cinema at theaters, sa mga rehiyon kung saan ang datos ay pang zona gialla.
Exception
Para sa mga Rehiyon na nasa zona arancione ngunit mayroong datos ng zona gialla ay posibleng magkaroon ng exception at bumalik sa zona gialla, batay sa bilang ng mga kaso ng covid19, bilang ng mga nabakunahan laban covid19, partikular ang mga matatanda.
Pagbabawal magpunta sa ibang Rehiyon
Kumpirmado ang pagbabawal magpunta ng ibang rehiyon, maliban na lamang kung mayroong second house. Pinahihintulutan lamang ang mga dahilan ng trabaho, kalusugan at pangangailangan. May pahintulot din ang pag-uwi sa sariling tahanan: domicilio, abitazione o residenza.
Pagbabawal magpunta sa ibang bahay sa zona rossa
Sa mga zona rossa ay hindi pinahihintulutan ang pagpunta sa bahay ng kaibigan o kamag-anak kahit isang beses sa maghapon, maliban sa April 3, 4 at 5. Samantala, sa mga zona arancione ay may pahintulot ang pagpunta sa bahay ng kaibigan o kamag-anak, isang beses sa maghapon, sa loob ng parehong Comune.
Curfew
Nananatli ang curfew mula 10pm hanggang 5am. May pahintulot ang paglabas ng bahay dahil sa trabaho, kalusugan at pangangailangan.
Bars at Restaurants
Mananatiling bukas lamang for take-out hanggang 6pm ang mga bar at hanggang 10pm ang mga restaurants. May pahintulot naman ang home deliveries.
Gym, Pools, Cinema, Theaters, Museums
Mananatiling sarado hanggang April 30, 2021. Sa nabanggit na pagsusuri ng mga datos sa kalahatian ng buwan at may posibilidad ng pagbalik sa zona gialla, ay pag-aaralan ang posibleng pagbubukas ng mga cinema at theaters: obligatory reservation, maximum ng 200 katao sa indoors at maximum ng 400 katao sa outdoors. Posibleng pagbubukas din ng mga museums.
Second House
May posibilidad na magpunta sa second house, kahit sa zona rossa, maliban na lamang sa mga rehiyon kung saan may restriksyon ukol sa second house. Halimbawa, sa Campania, Puglia at Liguria, sa Pasqua ay ipinagbabawal ang pagpunta sa second house sa mga residente at sa mga hindi residente. Ang pagpunta sa second house sa mga hindi residente ay ipinagbabawal din sa Valle d’Aosta, Alto Adige, Trentino, Toscana, Sardegna. Sa Sicilia naman ay pinahihintulutan ang pagpasok sa rehiyon sa pagkakaroon lamang ng negatibong swab test 48 oras bago ang pagdating sa rehiyon.
Mandatory ang vaccination ng mga health workers, kasama ang mga phararmacists
Lahat ng nagta-trabaho sa heath sector: duktor, nurses, OSS, pharmacists, mga empleyado sa mga Rsa o health residences ay kailangang mabakunahan. Sa sinumang tatanggi, ay nasasaad ang suspensyon ng sahod sa panahon ng pandemya. Kung maabot na ang herd immunity o magtatala ng malaking pagbaba ng pagkalat ng virus, ay posibleng tanggalin ang suspensyon. Ito ay maaaring magtagal hanggang December 31, 2021.
Pagbibiyahe
Ang ordinansa ni Health Minister Roberto Speranza ay may bisa hanggang Abril 6. Ito ay para sa mga nanatili o nagkaroon ng stop over sa mga bansa ng Europa, 14 na araw bago ang pagpasok sa Italya, ay obligado ang swab test bago ang umalis, sumailalim sa 5 araw na mandatory quarantine at pagkatapos at swab test ulit. (PGA)