in

Bagong dekreto, inaasahan para sa buwan ng Abril

Bagong dekreto, inaasahan para sa buwan ng Abril

Sa mga susunod na araw ay inaasahan ang bagong decreto legge para sa buwan ng Abril. Ito ang dekreto na ipatutupad matapos ang Easter, sa pagtatapos ng kasalukuyang dekreto.

Sa naganap na press conference kamakailan ay nagbigay ng ilang indikasyon sa mga pagbabago sa mga restriksyon ang Presidente ng Konseho ng mga Ministro na si Mario Draghi. Ang pinaka malaking pagbabago ay ang pagbubukas ng mga paaralan. 

Una sa lahat, ang bagong dekreto sa Abril ay isang pagpapatuloy ng mga restriksyong kasalukuyang ipinatutupad. Sa katunayan, kumpirmado hanggang April 30, 2021 ang pagbabawal magpunta sa ibang rehiyon. Katulad ng pansamantalang pagtatanggal sa zona gialla hanggang April 30. Ang pagtatanggal sa zona gialla, ay sanhi ng pagbabawal magpunta ng ibang Comune, maliban sa mga pinahihintulutang dahilan tulad ng trabaho, kalusugan at pangangailangan. Kabilang na din dito ang pagbalik sa sariling tahanan.

Sa zona arancione naman ay may pahintulot magpunta sa bahay ng kaibigan o kamag-anak, mula 5am hanggang 10pm, nang isang beses sa maghapon, hanggang dalawa katao. Para sa mga naninirahan sa Comune na mayroong 5,000 residente ay may pahintulot ang magunta sa bahay ng kaibigan o kamag-anak o kung may bibilhin na wala sa sariling Comune hanggang 30kms. Gayunpaman, ay hindi maaaring magpunta ss capoluogo ng Provincia. 

Bukod dito, tulad ng unang inilathala ng Ako ay Pilipino, ay magbubukas ang mga paaralan kahit sa mga zona rosse, hanggang sa prima media. 

Ayon pa sa paliwanag ni Premier Draghi ay pinag-aaralan din ang muling pagbubukas ng mga salon, hair dressers at beauty centers sa working days, kahit sa zona rossa, pagkatapos ng Easter. 

Gayunpaman, sa bagong dekreto ng Abril, ay tila walang magandang balita para sa mga pools at mga gym. Bukod dito ay tila ipagpapaliban muli ang pagbubukas ng mga cinema at theaters. 

Ang dekreto ay gagawin batay sa mga datos na mayroon sa kasalukuyan: pag-aaralan ang mga epekto nito at hindi maiiwasan ang anumang pagbabago sa pagpapatupad nito”, paliwanag ni Draghi. 

Sa katunayan, ang lahat ay nakasalalay sa magiging takbo ng epidemya sa bansa. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bakuna laban Covid19 sa mga Pharmacies, aprubado na!

Ako Ay Pilipino

Johnson & Johnson anti-Covid19 vaccines sa Europa, nalalapit na!