Magtatapos sa January 15 ang ipinatutupad na DPCM simula noong Dec 3 at pinalawig ng Dl 1/2021 ng Jan 5.
Muling aaprubahan ang isang bagong DPCM at/o bagong Decreto legge na magtataglay ng mga pagbabago o pagpapalawig ng mga restriksyon.
Ang aaprubahang bagong restriksyon hanggang January 15 ay inaasahang ipapatupad hanggang January 31 o hanggang kalahatian ng Pebrero.
Sitwasyon sa Italya
“Lumalala ang sitwasyon sa bansa at tumitindi ang epekto nito sa mga health facilities”. Ito ang inanunsyo ng presidente ng ISS Silvio Brusaferro, sa huling ulat nito.
Ang average RT ay mas mataas na sa 1 at karamihan ng mga Rehiyon ay lumampas na sa average risk. Dumadami ang mga pasyente sa mga ospital, tumataas ang bilang ng mga biktima at ang third wave ay papalapit na.
“Kinakailangan ang matinding pag-iingat at karagdagang paghihigpit”.
Sa January 13 ay inaasahang ilalahad ni Heath Minister Roberto Speranza sa Camera ang mga karagdagang preventive measures.
Ang desisyong pinal at ang pirma, gayunpaman, ay inaasahan ngayong linggo o hanggang bago sumapit ang January 15. Hanggang sa petsang nabanggit, ay ipatutupad ang pinirmahang ordinansa ni Health Minister noong January 8:
- zona gialla: Abruzzo, Campania, Basilicata, Friuli Venezia Giulia, Lazio, Liguria, Marche, Molise, Piemonte, Provincia Autonoma di Bolzano, Provincia autonoma di Trento, Puglia, Sardegna, Toscana, Umbria, Valle d’Aosta
- zona arancione: Calabria, Emilia Romagna, Lombardia, Sicilia e Veneto
Sa ngayon ay walang anumang Rehiyon ang nasa ilalim ng zona rossa. (PGA)
Basahin din:
- Restriksyon sa January 7-15, inaprubahan. Ang nilalaman.
- 5 Rehiyon sa zona arancione simula January 10 hanggang January 15