Inaasahan ang bagong DPCM sa ilalim ng pamumuno ni Mario Draghi. Ito ang magpapatuloy sa mga restriksyon at paghihigpit na magtatapos. Ang mga paghihigpit sa bagong DPCM ay ipatutupad hanggang matapos ang araw ng Easter.
Ang dekreto ay balido simula March 6 hanggang April 6, samakatwid, kasama ang Easter Sunday (Pasqua) at Easter Monday (Pasquetta), tulad ng inanunsyo ni Health Minsiter Roberto Speranza, sa kanyang paglalahad sa Senado ng mga preventive measures sa layuning mapigilan ang pagkalat ng Covid19 at ng mga bagong variants nito sa nalalapit na Mahal na Araw.
Binigyang diin ni Speranza na sa bagong dekreto ay sentro ang pangangalaga sa karapatan sa kalusugan. Ito ay nangangahulugan lamang na walang pagluluwag na aasahan sa maselang panahon ng pandemya.
Sa bagong dekreto ay inaasahan din ang patuloy na pagsasara ng mga cinema, theaters, gymn at mga pools. Malinaw din ang karagdagang paghihigpit sa mga pagbabawal. Bukod sa zona gialle, ay inaasahan din ang pagtatalaga ng zona arancione scuro o zona arancione rafforzata, na may karagdagang paghihigpit. Gayunpaman, ito ay makukumpirma lamang sa bagong DPCM.
25 mini zone rosse, dahil sa pagkalat ng mga bagong variants sa bansa
Sa ngayon ay may 25 zone rosse, sa limang rehiyon sa Italya. Ang ilan ay dahil sa pagkakaroon ng mga breakouts ng UK, Brazil at South Africa variants.
“Ang hadlangan ang pagkalat ng mga bagong variants ay posible pa“, ayon kay Health Minister “hangga’t ipinagtitibay at ipinatutupad ang mga mahigpit na regulasyon na maaaring hadlangan ang mga outbreaks sa pagsasara sa mga lugar na ito”.
Narito ang mga nadagdag sa listahan ng zone rosse.
- Palermitano (San Cipirello at San Giuseppe Jato),
- Livornese (Cecina),
- Aquilano (4 na Comuni)
- Province di Chieti e Pescara) at Frusinate (Torrice),
- Lazio, Colleferro at Carpinato (Roma) at Roccagorga (Latina).
- Umbria, provincia di Perugia.
- PA di Bolzano,
- Lombardia, Bollate (Milan), Mede (Pavia) at Viggiù (Varese)
- Emilia Romagna, ang province di Bergamo, Brescia at Cremona
- At nanganganib din sa Toscana ang località del Senese e del Pistoiese.
Basahin din:
- Bagong dekreto anti-Covid19, ang nilalaman
- Kulay ng mga Rehiyon, simula Feb. 21, 2021
- ICU sa 4 na Rehiyon sa Italya, lumampas sa warning level
- 3 paaralan sa siyudad ng Bollate, pansamantalang sinara dahil sa English Variant outbreak