in

Bagong DPCM, ipatutupad simula January 16. Narito ang nilalaman

Bagong DPCM January 16 Ako Ay Pilipino

Sa pagtatapos ng ipinatupad na dekreto hanggang January 15, ay ipatutupad ang bagong DPCM simula January 16, 2021. 

Narito ang nilalaman. 

Sa bagong DPCM na inilathala sa Official Gazette ngayong araw ay nasasaad ang mga mahahalagang petsa: 

  • Extension ng State of Emergence hanggang April 30, 2021,
  • Pagbabawal na lumabas o magpunta ng ibang Rehiyon hanggang February 15, 2021. Maliban na lamang sa mga pinahihintulutang dahilan tulad ng trabaho, kalusugan at pangangailangan,
  • Ang bagong DPCM ay ipatutupad mula January 16, 2021 hanggang March 5, 2021.

Kumpirmado ang curfew mula 10pm hanggang 5 am. Ang DAD o Didattica a Distanza sa Scuola Superiore ng 50% ay kumpirmado din. At obligado din ang pagsusuot ng mask sa ourdoor.

Narito ang mga pagbabagong nilalaman ng bagong DPCM

Restriksyon. Sa pagkakaroon ng Rt1, o may mataas na antas ng peligro o, may 50 kaso bawat 100 libong naninirahan ay mapupunta sa zona arancione. Sa pagkakaroon ng Rt 1.25, ang rehiyon ay mapupunta sa zona rossa.

  • Zona Rossa – Rt katumbas o mas mataas sa 1.25,
  • Zona Arancione – Rt katumbas o mas mataas sa 1,
  • Zona Gialla – Rt inferiore a 1,
  • Zona Bianca – Rt inferiore a 0.5

Pagtanggap ng bisita o pagbisita sa ibang bahay, hanggang 2 katao. Hanggang March 5, ay ipatutupad ang regulasyong nabanggit. Ito ay pahihintulutan isang beses lamang sa maghapon. Tulad noong panahon ng kapaskuhan, ang mga mas bata sa 14anyos at may kapansanan ay hindi kabilang sa bilang ng mga ‘non conviventi’. Sa zona gialla, ito ay may pahintulot sa sariling rehiyon. Kung zona arancione o rossa, ay may pahintulot sa parehong Comune. Hanggang March 5 ay may pahintulot ang pagpunta sa rehiyon ng zona arancione mula Comune kung ang populasyon ay hindi lalampas ng 5,000 residente at ang distansya ay hindi lalampas ng 30km at hindi pupunta sa capoluogho ng provincia.

Pagbabawal ng take out sa mga bar mula 6pm. Para sa mga bars at commercial activities na nabebenta ng pagkain for take out mula 6pm ay ipinagbabawal na. 

Sci resorts, gym at pools sarado hanggang February 15. Ang mga sci resorts ay mananatiling sarado hanggang February 15, kahit sa zona gialla. Mananatiling sarado din ang mga gym at mga pools. Sarado din ang mga cinema at theaters.

Cruise, nagbabalik. Mga museums magbubukas sa zona gialla.  Ang cruise ay nagbabalik at ang mga museums ay magbubukas sa zona gialla at sa working days lamang. 

Zona bianca. Sa bagong color-code na ito, ang tanging restriksyon lamang ay ang social distance at paggamit ng mask. Ngunit para mapabilang dito, 3 sunud-sunod na linggo ng 50 kaso bawat 100,000 na residente at mababa ang panganib.  (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy patay matapos mabaril ng pulis sa Milano Ako Ay Pilipino

Apat na pinoy pushers, arestado sa Roma at Milan

Permesso di soggiorno Ako Ay Pilipino

Permesso di soggiorno, extended ang validity hanggang April 30, 2021