in

Bagong DPCM, ipatutupad simula Lunes, Oct. 26.

conte-ako-ay-pilipino

Pinirmahan ni Italian Prime Minister Giuseppe Conte ang bagong DPCM na nagtataglay ng mga ipatutupad na paghihigpit at health protocols simula bukas, Oct. 26 hanggang Nov. 24

Matatandaang ang pinaka huling DPCM ay noong nakaraang Oct 18 lamang ngunit ito ay hindi na sapat matapos magtala ng hindi mapigilang pagdami ng mga infected ng covid19 nitong mga huling araw.

Narito ang nilalaman. 

  1. Mahigpit na ipinagbibilin sa lahat na iwasan ang anumang dahilan ng paglabas ng bahay na hindi importante, gamit ang public o private transportation, maliban na lamang kung ang dahilan ay trabaho o pag-aaral, o para sa kalusugan, matinding pangangailangan o paggamit ng serbisyong nananatiling may pahintulot. Walang nabanggit na pagbabawal ukol sa pagbibiyahe sa mga Comune o Rehiyon at samakatwid ay nananatiling may pahintulot ito, ngunit malinaw na ito ay dapat lamang gawin kung ito ay isang pangangailangan. 
  2. Ang mga restaurants, bars at lahat ng uri ng food services ay mananatiling bukas hanggang alas 6 ng hapon at mananatiling bukas tuwing weekend. Sa dine-in ay may pahintulot sa isang table hanggang 4 na katao lamang maliban na lamang ang malalaking pamilya. 
  3. Ang 50% na unang itinalaga sa nakaraang DPCM ng DAD o Didattica a Distanza o Distance Learning ng mga mga-aaral sa Licei at Superiore ay itinaas sa 75% hanggang 100%. Ang mga school principals ang magdidisisyon kung anong klase o kung lahat ng klase ay isasailalim ng distance learning. Samantala, ang mga kindergarten at elementarya ay mananatiling ‘in presenza’ o mananatiling sa mga paaralan magka-klase. Inaasahan ang pagbibigay ng iba’t ibang oras ng pagpasok at paglabas ng mga klase at ang pagkakaroon ng afternoon class kung kinakailangan. 
  4. Tuluyang isasara ang mga gym, pools at mga sci areas. Sarado ang mga cultural at social centers at mga recreational centers. Sarado ang sale giochi, sale scomesse, sale bingo at casino. Bawal ang festivals at mga fairs. Pansamantalang bawal din ang mga convention at congress. Mananatiling bukas ang mga parrucchieri at estetiste (o hairdressers at mga beauticians).
  5. Nananatiling may access ang mga bata at kabataan sa ludoteca at sa iba’t ibang educational centres sa kundisyong mahigpit na ipatutupad ang health protocols. Mananatiling bukas din ang mga museums.
  6. May pahintulot ang mga religious activities at may pahintutlot din ang pagpunta sa mga place of worship sa kundisyong susunod sa mga ipinatutupad na heath protocols.
  7. Nananatiling ipinagbabawal ang anumang uri ng pagdiriwang, kasama ang reception ng mga civil at religious event kahit indoor o ourdoor o kahit maliit lamang ang bilang ng mga imbitado. Ipinapayo na huwag muna tumanggap sa bahay ng mga bisita na hindi conviventi maliban na lamang kung mahigpit na kinakailangan.
  8. Sarado na din ang mga cinema at theaters kahit pa mayroong 200 seating capacity. Bawal ang mga konsyerto at lahat ng uri ng show sa indoors at ourdoors. Sarado ang mga disco houses. Ang mga stadium ay muling ibabalik na walang publiko. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ako-ay-pilipino

Mga dapat ihanda sa banta ng panibagong lockdown

ako-ay-pilipino

Pinoy, biktima ng sunog sa isang Oil tanker