Ang Italya ay mayroong bagong DPCM. Ito ay nagtataglay (o nagpapatuloy) ng mga ipinatutupad na paghihigpit na layuning hadlangan o labanan ang higit ng pagkalat ng coronavirus. Ang teksto na pinirmahan kahapon ni Premier Draghi ay inilahad naman sa isang Press Conference nina Health Minister Speranza at Regional Affairs and Autonomies Minister Gelmini. Ito ay may bisa mula March 6 hanggang April 6.
General rule ng bagong DPCM
Sa bagong DPCM ay kumpirmado ang color-code system sa bansa, batay sa sitwasyon ng coronavirus– bianca, rischio basso o low risk; gialla, rischio moderato o moderate risk, arancione, rischio medio-alto o average-high risk at rossa, rischio alto o high risk .
At ang pagbabago sa ‘kulay’ ng mga rehiyon ay magaganap tuwing Lunes at hindi na Linggo tulad noong una.
Nananatiling kumpirmado ang curfew mula 10pm hanggang 5am, pati na rin ang pagsusuot ng mask kahit sa outdoor.
Kumpirmado din ang pagbisita sa isang bahay lamang ng miyembro ng pamliya, kamag-anak o kaibigan sa maghapaon mula 5am hanggang 10pm, sa mga zona gialla, sa loob ng sariling Rehiyon.
Ipinagbabawal din ang pagpunta sa ibang rehiyon hanggang March 27, 2021.
Regulasyon sa paglabas ng bahay
Tulad ng nabanggit, nananatili ang regulasyon batay sa kulay ng rehiyon. Sa zona rossa ay ipinagbabawal ang paglabas ng bahay kung walang balidong dahilan tulad ng trabaho, kalusugan at pangangailangan. Habang sa zona arancione ay ipinagbabawal lumabas ng Comune at sa zona gialla at bianca naman ay ipinagbabawal ang lumabas ng Rehiyon. Samantala, ang pagpunta sa second house ay pinahihintulutan lamang sa zona bianca, gialla at arancione, sa kundisyong isang pamliya lamang ang magbibiyahe at ang pupuntahang bahay ay hindi tinitirahan ng ibang tao. Kailangang patunayan ang pagiging may-ari nito at kung inuupahan naman ay kailangang bago ang petsang Jan 14, 2021.
Samantala, ukol naman sa bilang ng pasaheron ng mga publikong trasportasyon, lokal o regional train, ay pinahihintulutan ang hanggang 50% lamang ng total capacity nito.
Commercial activities
Kumpirmado din ang mga ipinatutupad nang regulasyon ukol sa mga bar at restaurants na may pahintulot ang pagbubukas sa publiko hanggang 6pm at ang posibilidad ng take out hanggang 10pm at home deliveries sa zona bianca at gialla. Take out at home deliveries lamang ang may pahintulot sa zona rossa.
Ang pagbabawal magbenta ng mga inumin makalipas ang 6pm ay tinanggal sa retail sale sa lahat ng kulay ng mga rehiyon.
Nananatiling sarado ang mga gym, pools, stadium, sala giochi, disco houses at mga locale para sa private party. Ang malls at merkado ay sarado tuwing weekend at sa zona rossa ay sarado din ang mga hairdressers at mga Spa.
Paaralan
Malaking bahagi ng DPCM ay ukol sa mga paaralan. Suspendido ang lahat ng grado sa mga nasa zona rossa at mandatroy ang DAD didattica a distanza. Bukod dito ay isususpinde din ang lahat ng grado sa mga paaralan sa mga lugar kung saan mayroong 250 cases kada lingo sa bawat 100,000 na residente
Magandang balita para sa mundo ng Kultura. Bukod sa pagbubukas ng mga museums sa mga zona gialla, simula March 27, ay maaaring magbukas ng araw ng sabado at linggo at mga pista opisyal. May pahintulot na ding magbukas sa zona gialla ang mga theaters at cinema, sa kundisyong hindi lalampas sa 25% ng maximum capacity nito ang mga papasok. Ngunit mananatiling sarado ang mga gym, pools at sci resorts. (PGA)
Basahin din:
- Kulay ng mga Rehiyon ng Italya, simula March 1
- Bagong DPCM ipatutupad hanggang matapos ang Easter
- Pagbabawal magpunta sa ibang Rehiyon, pinalawig hanggang March 27, 2021