in

Bagong € 150 bonus, hatid ng Decreto Aiuti ter

minimum salary required permesso di soggiorno Ako Ay Pilipino

Isang bagong bonus na nagkakahalaga ng € 150,00 ang hatid ng Decreto Aiuti ter para sa mga mayroong kita hanggang €20,000. Ito ay inaasahang awtomatikong matatanggap sa Novembre 2022 ng mga workers (dipendenti) at pensioners. Habang ang ibang mga benepisyaryo, tulad ng mga umeployed, tumatanggap ng reddito di cittadinanza at mga colf/babysitters ay matatanggap ang nasabing bagong bonus sa katulad na pamamaraan ng nakaraang bonus. 

Ito ang inanunsyo ng Presidente ng Konseho ng mga Ministro, Mario Draghi sa ginanap na press conference kamakailan para sa paglulunsad ng Decreto Aiuti ter, na inaprubahan ng Konseho ng mga Ministro noong Setyembre 16, 2022.

Samakatwid, isang tulong pinansyal para sa mga pamilya na mayroong kita o sahod sa taong 2021 €20,000, kasama ang mga tinatawag na ‘incapienti’ o ang mga kumikita ng mas mababa sa halagang € 8145,00 kung ‘dipendenti’, €8500,00 kung pensyonado at € 5500,00 kung self-employed. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 4.3]

Pinay, tumatakbo sa Senado sa nalalapit na Eleksyon sa Italya

Maikling Gabay para sa Italian General Election sa Sept. 25, 2022