in

Bagong halaga ng Assegno al Nucleo Familiare simula July 2021, inilathala ng Inps

Narito ang bagong halaga ng Assegno al Nucleo Familiare (ANF) na nagtataglay ng bahagyang pagtaas hatid ng gobyerno ni Draghi.

Inilathala ng Inps, sa pamamagitan ng isang komunikasyon bilang 2331 ng 17/06/2021, ang bagong table ng assegni familiari simula July 1, 2021 hanggang June 30, 2022, kung saan nasasaad ang mga bagong halaga ng assegni familiari, sa busta paga kung nagta-trabaho, at sa Naspi kung walang trabaho o sa pensyon.

Ngayong taon, sa pagpapatupad ng Assegno Unico, na magsisimula ng July 1, 2021 hanggang December 31, 2021, ang halaga ng assegno per il nucleo familiare ay tataas ng: 

  • € 37,50 para sa bawat menor de edad na anak, para sa pamilya na may hanggang 2 anak;
  • € 55,00 para sa bawat anak na menor de edad, para sa pamilya na may tatlonganak pataas.

I-click para sa Bagong table ng Assegno al Nucleo Familiare simula July 1, 2021 (pdf)

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 4.3]

Ikalawang dosis ng Pfizer o Moderna, posibleng tanggihan matapos ang unang dosis ng AstraZeneca

Delta variant, kinatatakutan ang mabilis na pagkalat sa Europa ngayong Summer