in

Bagong ordinansa, ipinatutupad!

Pinirmahan ni health minister Roberto Speranza ang bagong ordinansa na ipinatutupad simula ngayong araw, March 21, upang higit na labanan ang pagkalat ng pandemya sa bansa. 

Sa bagong ordinansang nabanggit ay ipinagbabawal na ang pagpunta sa mga parke, public garden, villa at aree gioco na patuloy na puntahan sa kabila ng mga naunang paghihigpit. 

Para naman sa sports sa open air, ay patuloy na pinahihintulutan ang individual sports sa open air na malapit sa sariling tahanan sa kundisyong susundin ang social distancing.

Ipinasasara na din sa loob ng mga train station, gasolinahan (excluded ang nasa autostrade) ang bilihan ng mga inumin at pinahihintulutan lamang ibenta ay ang mga pang take out. Samantala, nananatiling bukas naman ang mga matatagpuan sa ospital at airports sa kundisyong susundin ang social distancing ng 1 metro. 

Ipinagbabawal din ang pagpunta sa ibang bahay bukod sa kung saan kasalukuyang naninirahan. Kasama na sa ipinagbabawal puntahan ang mga bahay bakasyunan. 

Samantala, para naman sa oras ng pagbubukas ng mga supermarkets ay walang paghihigpit ukol dito. 

Partikular sa Roma, isang ordinansa ang nagpapatupad ng kontrol sa lahat ng mga sasakyang nasa kalsada pati lahat ng mga taong naglalakad. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Isang Pinoy sa Tuscany Region, Frontliner sa Covid19 Emergency

Supermarkets, may iba’t ibang oras at araw ng pagbubukas sa publiko