Pinirmahan ni Health Minister Roberto Speranza ang isang ordinansa, may bisa simula ngayong araw hanggang December 3, 2020 kung saan muling kinukumpirma ang mga restriksyon sa mga Rehiyon ng Calabria, Lombardia, Piemonte, Puglia, Sicilia, Valle d’Aosta.
Ang Calabria, Lombardia, Piemonte at Valle d’Aosta ay mananatili sa zona Rossa at ang Puglia at Sicilia naman ay sa zona arancione.
Gayunpaman, dagdag ng Ministro ang posibiidad ng anumang pagbabago batay sa nasasaad sa DPCM ng Nov. 3, 2020.
Kaugnay nito, sinimulan ang mass screening sa rehiyon ng Alto Adige. Tinatayang aabot sa 3.5M euros ang inilaang budget dito kung saan 65% ng mga residente ng provincia ang makikinabang.
“Mayroong 116 Comune ang Alto Adige at 600 nito ang aktibo sa test”, ayon kay health general director Florian Zerzer.
Sa Bolzano, bukod sa national at international media ay dumating din ang 3 observers mula Austria upang pag-aralan ang mass screening. (PGA – larawan ni Chet de Castro Valencia)
Basahin din:
- Abruzzo, zona rossa na simula ngayong araw
- Zona rossa at zona Arancione, nadagdagan ulit!
- Abruzzo, Basilicata, Liguria, Toscana at Umbria, zona Arancione
- Anu-anong mga Rehiyon ang kabilang sa zona Rossa, Arancione at Gialla?