in

Bagong presyo ng public transportation tickets sa Roma, sisimulan sa May 25

Mula 1,00 euro ay magiging 1,50 euro ang halaga ng pamasahe sa Roma na balido ng 100 minuto.

altRome, May 16, 20120 – Simula May 25, 2012 ay magkakaroon ng mga pagbabago sa presyo ng Metrebus o ticket ng public transportation sa Roma.

Hanggang July 31, 2012 ang lahat ng mga tickets ay mananatiling balido.

Samantala mula August 1 hanggang October 31, 2012 ang lahat ng mga nabiling tickets sa dating halaga nito ay maaaring palitan sa mga ‘biglietterie Atac’, kasabay ang pagbabayad ng karagdagang increase nito.

Ang mga yearly subscription naman ay mananatiling balido hanggang sa deadline ng validity.

Simula May 15, ang mga mayroong karapatan sa deduction tulad ng mga mag-aaral at mga kabataan ay maaaring mag-aplay ng Metrebus Card, sa pamamgitan ng pagrerehistro sa www.atac.roma.it

Narito ang mga bagong halaga ng mga tickets

BIT, balido ng 100 minuto                                           1,50

BIG, balido ng isang araw                                           6,00

BTI, balido ng tatlong araw                                          16,50

CIS, balido ng isang linggo                                          24,00

Monthly personal ticket                                                 35,00

Monthly impersonal ticket                                             53,00 (maaaring gamitin ng ibang tao)

Yearly                                                                              250,00

Yearly with family discount                                            225,00

Monthly ticket para sa walang trabaho                       16,00

Para sa mga special yearly deduction ng iba’t ibang categories na batay sa ISSE (o ang economic situation indicator ng bawat pamilya), mangyaring bisitahin ang www.atac.roma.it.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Italya, tutukan ang ikalawang henerasyon – OIM

FMA, sa “When you wish upon a star”