in

Bagong regulasyon ng Italya sa mga babalik mula Europa

Ako Ay Pilipino

Sa sinumang magpupunta sa ibang bansa ng ilang araw para sa isang maigsing bakasyon ngayong Easter at babalik sa Italya ay mayroong bagong regulasyon.

Swab test bago bumalik o pumasok ng Italya, mandatory 5day quarantine sa pagbalik sa Italya at swab test ulit pagkatapos ng quarantine. 

Ito ay ang bagong regulasyon para sa mga manggagaling o babalik sa Italya mula sa Europa sa pagpapatupad ng bagong ordinansa ni Health Minister Roberto Speranza hanggang April 6, 2021.

Nananatili naman ang 14 na araw ng fiduciary isolation para sa mga magmumula sa mga non-EU countries.

Ang layunin ay upang madismaya ang mga pasahero at maiwasan din ang malayang labas-pasok ng mga pasahero sa bansa na maaaring maging sanhi ng higit na pagkalat ng covid19. 

Kaugnay nito, nilinaw naman ni Foreign Affairs Minister Luigi Di Maio ang ukol sa malayang pagpunta sa ibang bansa para sa maikling bakasyon ngunit pagbabawal na makarating sa ibang rehiyon ang mga mamamayan. 

Aniya, “Ang aming hiling ay ang manatili sa bahay. Ngunit ang sinumang pupunta sa ibang bansa at babalik sa Italya ay kailangang gawin ang swab test pag-alis at pagbalik, na isang regulasyon ng Europa. Ngunit hindi namin hinihikayat ang mga mamamayan na magpunta sa ibang bansa, at muli inuulit ko na hinid namin nirerekomenda ang paglabas ng bansa”.  (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Overweight at nais mabawasan ang timbang para sa nalalapit na tag-init?

Esenzione Ticket Sanitario 2021, kailan dapat i-renew?