Ang eleksyon ay nakatakda sa pagitan ng Nobyembre 1 hanggang Disyembre 15. Kailangang i-request ang certificato elettorale o voter’s certificate. Binawasan ang compensation ng mga mahahalal sa Campidoglio at tinanggal naman ng tuluyan sa mga munisipyo. At may bagong obligasyon ang mga mahahalal: ang pagpili sa isang political group.
Roma, Abril 26, 2014 – Ang lungsod ng Roma ay ganap ng inaprubahan ang bagong regulasyon para sa eleksyon ng mga consiglieri aggiunti. Ito, gayunpaman, ay isang mabuting balita dahil muling makakapili ng mga kinatawan ang mga imigrante makalipas ang walong taong extension at postponement.
Maraming sorpresa sa bagong inaprubahang regulasyon noong nakaraang Abril 8. Kung isa sa mga layunin ay ang makatipid, ang epektong inaasahan nito ay ang karagdagang bawas sa gastusin ng pakikilahok sa halalan at ang lalong limitahan ang limitadong posisyon bilang kinatawan sa administrasyon ng lungsod ang mga mahahalal.
Una-unahin natin. Ang eleksyon ng mga consiglieri aggiunti sa Kapitolyo at sa mga Munisipyo nito ay nakatakda sa pagitan ng Oktubre 1 hanggang Disyembre 31 sa taon ng local election o kung ito ay matatapat sa parehong mga petsa, s apagitan ng Marso 15 hanggang Hunyo 15 ng susunod na taon. Sa unang pagpapatupad ng bagong regulasyon, ay nasasaad na ang susunod na eleksyon ay gagawin sa isang araw ng linggo sa pagitan ng Nobyembre 1 hanggang Disyembre 15, 2014.
Maaaring bumoto o ang mahalal ang mga non-EU nationals na nasa tamang edad at regular na residente sa lungsod, samakatwid, nakatala sa anagrafe. Ang mga hindi residente ngunit naka-address naman sa Roma dahil sa pag-aaral o sa pagta-trabaho, ay kailangang magsumite ng aplikasyon online o sa Minispyo na kinasasakupan, upang matala sa electoral list.
Upang makaboto sa kinabibilangang poll ay kailangang ilahad ang voter’s id, at dito ay may pagbabagong marahil ay maka-discourage sa mga botante. Sa mga nakaraang eleksyon, ang voter’s id ay ipinapadala ng Comune sa lahat ng mga imigrante na may karapatang bumoto. Ngunit simula sa pagpapatupad ng bagong regulasyon, ay kailangang i-request, sa munispyo o sa pamamagitan ng website ng Roma Capitale.
Sa botante ay ibibigay ang dalawang balota, ang una ay may kasamang listahan ng mga kandidato sa Roma Capitale at ang ikalawa naman ay may kasamang listahan ng mga kandidato sa munisipyo. Isa lamang ang pipiliin sa bawat balota.
Mahahalal na consiglieri aggiunti sa Roma Capitale ang unang apat na kandidato sa 4 na continente (Europa, Asya, Amarika, Africa), ngunit kung ang 4 ay may pare-parehong kasarian o gender, ay magkakaroon ng ikalima buhat sa ibang kasarian. Sa bawat munisipyo naman ay mahahalal bilang consigliere aggiunto ang may pinakamataas na boto.
Isang pang mahalagang pagbabago, ang mga consiglieri aggiunti ay kailangang maging bahagi ng isa sa mga existing group. At samakatwid ay sapilitang pipili ng isang partido at aalamin pa kung ito ay kailangan ng ihayag sa panahon ng pagsusumite ng candidacy. Isang alternative ang pumasok sa gruppo misto (mix group). Ngunit sa parehong nabanggit na kaso, ay mahirap na ang isang consigliere aggiunto ay maging isang capogruppo o party leader at samakatwid ay maaaring maging mahalaga sa paghahanda ng agenda.
Bilang panghuli, ay napalitan ang paraan ng pagbibigay ng compensation. Ang mga mahahalal sa Campidoglio ay patuloy na makakatanggap ng tinatawag na gettone di presenza na nagkakahalaga ng 50 euros sa bawat konseho (ang mga Italians ay nakakatanggap ng doble), habang ang participation sa committee hearing ay libre na. Ang mga mahahalal sa mga munisipyo ay walang matatanggap na anumang uri ng compensation na sa nakaraan ay nakakatanggap ng 30 euors bawat konseho at committee hearings.
Il nuovo regolamento per l’elezione dei consiglieri aggiunti a Roma