Ang sinumang bagong driver na hindi susunod sa bagong alituntunin ay maaaring magmulta o makumpiska ang driver’s license.
Pinagbabawal ang masyadong malalakas at matutuling sasakyan para sa mga bagong nakakuha ng driver’s license. Ang bagong patakaran, mula noong Pebrero 10, ay sakop ang sinumang nakakuha ng lisensya pagkatapos ng nasabing petsa. Para sa unang taon, maaari lamang imaneho ang kotse na may maximum 70 kilowatts at titimbang ng hindi lalampas sa 50 kilowatts bawat tonelada. Ang mga impormasyong nabanggit ay makikita sa dokumento ng pagrerehistro ng mga pinakamakabagong sasakyan, samantalang kailangang kalkulahin, na hindi palaging madali, ang mga ito sa mga lumang sasakyan. Sa lalong madaling panahon, gayunman, ay magagawa online ang pagsusuri sa www.ilportaledellautomobilista.it.
Ang mga bagong driver ay dapat ding sumunod sa limitasyon ng tulin ng pagpapatakbo ng sasakyan, na mas mababa kaysa sa normal. Para sa unang tatlong taon ng lisensiya ay hindi maaaring lumampas ng isang daang kilometro bawat oras sa highway at siyamnapung kilometro bawat oras sa mga di pangunahing kalsada. Ang sinumang hindi susunod sa mga bagong alituntunin ay maaaring magmulta hanggang € 594 euros at walong buwang suspension ng lisensiya.