in

Bagong SECURITY law nasa Parlyamento

Maraming mga pagbabago, mula sa renewal ng permit to stay sa mga munisipyo hanggang sa deportation ng mga EC nationals. Narito ang mga pangunahing pagbabago:

Roma – Permit to stay (Residence permit), direct hire, kawalan ng trabaho at deportation ng mga EC nationals. Ito ang mga pangunahing paksa sa imigrasyon na nais tutukan ng bagong security law. Inilunsad ng gobyerno noong Nobyembre, dumating sa Senado at tatalakayin sa susunod na mga linggo.

Ayon sa bagong batas, ang mga Comune at hindi ang Police department (o Questura), ang mamamahala ng renewal ng mga permit to stay, upang makapag tipid at ibalik ang mga pulis sa “gawain ng pampublikong kaayusan at seguridad.” Ang mga detalye ng paglipat na ito ay haharapin ng  pamahalaan sa pamamgitan ng isang ‘bill’ na tatalakayin sa Parlyamento.

Ang bill din ang mag-aalis ng dokumentong nagpaplano ng mga patakaran sa imigrasyon at direct hire tuwing ikatlong taon. Kasama sa mga papeles na ito ang mga inilahad sa kasalukuyang pamahalaan na hindi kaylan man inaksyunan ay maglalaho na lamang tulad ng konsultasyon sa lokal na awtoridad, at mga asosasyon.

Para sa direct hire ay nananatili ang dobleng procedure. Ang una ay ang standard procedure na nagbibigay ng isang direksyon sa teksto sa sama samang pagpupulong (kung saan may mga kinatawan ang comune, probinsya at rehiyon) at mga committees ng parlyamentaryo. Ang emergency  procedure (na pinaka gamitin), naman ay isang sama samang pagpupulong, ngunit kung ang opinyon ay hindi lalabas sa loob ng tatlumpung araw ay maaari nilang baliwalain ito.

Ang isang malaking pagbabago ay para sa mga nawalan ng trabaho. Kung nakarehistro sa employment agency (o liste di collocamento) ay maaaring patuloy na i-renew ang permit to stay hanggang sa panahon ng pagtanggap ng benepisyo nito o iba pang pampublikong income support, pagkatapos, ay pagkakalooban ng anim na buwan, tulad ng kasalukuyang batas, upang makahanap ng bagong trabaho.

Para sa mga EC nationals, ang pinaka mahalagang pagbabago ay ang mekanismo para sa pagpapatalsik (deportation) ng mga taong hindi karapat-dapat na manatili ng higit sa tatlong buwan sa Italya. Sa kasalukuyan, maaari lamang bigyan ng ‘order’ na umalis ng bansa, maliban na lamang kung isang pampublikong panganib. Ayon sa Bill, sa mga hindi bumalik ng bansa sa unang pagkakataon at mahuling muli sa Italya ay sapilitang pababalikin ng bansa. Ang mga ito ay ang mga pangunahing mga tema ng bill, ngunit nasa umpisa pa lamang ng talakayan sa Parlyamento at maraming mga bagay ang maaaring baguhin bago ito ay maging isang ganap na batas.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

San Marino, nagkakasal sa ngayon sa mga walang permit to stay!

DALAWANG PINOY PINARANGALAN BILANG ONLINE VOLUNTEER NG UN