in

Bagong Vaccination plan, narito ang 5 prayoridad

bakuna laban covid19 Ako Ay Pilipino

Narito ang limang kategorya na prayoridad na mabakunahan laban Covid19, ayon sa bagong Vaccination plan ng Ministry of Health ng Italya, sa pakikipagtulungan ng mga tanggapan ng Covid19 Emergency Commission, AIFA (Agenzia Italiana del Farmaco), ISS (Istituto Superiore di sanità) at AGENAS (Agenzia Nazionale per I Servizi Sanitari Nazionali).

Sa bagong bersyon ng dokumentong nabanggit ay kinukumpirma ang prayoridad sa mga over 80s, alagad ng batas, tauhan ng mga paaralan, at tinukoy din ang limang kategorya ng prayoridad, batay sa edad at kundisyon ng kalusugan. 

Kategorya 1

Sa Kategorya 1 ay kabilang ang mga taong lubhang ‘mahihina’ o higher risk at mga person with disabilities, na mataas ang panganib sa malubha at nakamamatay na epekto ng coronavirus.

Ito ay isang malawak na kategorya kung saan kasama ang mga sumusunod: may malubhang kapansanan alinsunod sa batas 104/1992 at ang mga miyembro ng pamilya at tagapag-alaga o caregiver; mga pasyenteng may idiopathic pulmonary fibrosis, advanced heart failure, neurological diseases (tulad ng amyotrophic lateral sclerosis, multiple sclerosis, muscular dystrophy, infantile cerebral palsy), cystic fibrosis, liver cirrhosis, severe autoimmune diseases or primary immunodeficiencies.

Kasama din ang mga pasyenteng tumatanggap ng biological drugs or immunosuppressive therapies, pasyenteng may dialysis at mga pasyenteng may type 1 diabetes at mga pasyenteng may type 2 diabetes o malubhang uri o may mga komplikasyon. 

Kasama rin ang mga pasyente na nagkaroon ng stroke o ischemias, mga pasyente na may malignant tumor, thalassemics, may Down’s Syndrome, AIDS, matinding obese at mga naghihintay o sumasailalim sa transplant. Sa kaso ng mga menor de edad na kabilang sa mga nabanggit ngunit hindi maaaring mabakunahan, “ay babakunahan ang kanilang mga magulang at tagapag-alaga”

Kategorya 2

Sa kategorya 2 ay kabilang ang mga taong nasa edad 70 at 79, na tinukoy batay sa pamantayan ng edad, dahil ang nabanggit na kategorya ay may pangunahing papel sa pagsusuri ng mortality rate bilang risk factor na nauugnay sa Covid-19. Sa katunayan, sa mga  edad na ito, ang mortality rate ng mga nahawahan ay 10%.

Kategorya 3

Sa Kategoryang 3 ay kabilang ang mga taong nasa pagitan ng edad na 60 at 69, at sa kasong ito ang”priyoridad ay tinukoy pa rin batay sa pamantayan ng edad. Sa mga edad na ito ang mortality rate sa mga nahawahan ay 3%.

Kategorya 4 

Sa Kategorya 4 ay kabilang ang mga taong under 60s na may  sakit ngunit hindi maituturing na malala. Ang mga uri ng sakit ay kapareho ng mga nabanggit  sa higher risk, ngunit hindi kasing lubha ng mga unang nabanggit. Kabilang dito ang: respiratory, cardiovascular, neurological disease, hypertension, diabetes, HIV, kidney, autoimmune, hepatic, cerebrovascular disease, tumor. 

Kategorya 5

Sa kategorya 5 ay kabilang ang buong populasyon na under 60 at walang partikukar na kundisyon sa kalusugan. 

Anuman ang edad at kundisyon ng kalusugan, nananatiling kumpirmado ang mga kategorya na nasimulan nang mabakunahan sa mga nakaraang linggo tulad ng: mga nagta-trabaho sa mga paaralan, unibersidad, militar, mga pulis, public rescuers, mga nasa bilangguan at mga naninirahan sa community residence, tulad ng mga health at religious residences. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bakuna kontra Covid19, kasama sa prayoridad ang mga caregivers

Draghi at Speranza sa isang pagpupulong para sa bagong dekreto anti-Covid19