Kumpirmadong nasa na Italya ang bagong covid19 variant mula Brazil. Naitala ang unang kaso nito kahapon, na kasalukyang sinusuri ng Infectious Disease Division ng Varese hospital. Ngayong araw ay nadagdgan na ito ng panibagong kaso: isang pamilya sa Poggio Picenza (L’Aquila). Tatlong katao na carrier ng bagong variant mula Brazil. Ayon sa mga unang ulat, ang pamilya ay nahawa sa Brazil kung saan sila galing.
Ito ay inanunsyo mismo ni Presidente Marco Marsilio sa ginawang regional council. Ang pamilya, aniya, ay isolated sa ngayon at babakunahan din.
Ayon sa mga unang pag-aaral, ang Brazilian variant ay higit na nakakatakot kaysa sa UK At South African variant. Ito ay dahil sa uri ng mutation nito na katulad ng protein Spike. Dahil dito ay posibleng hindi ito makilala ng mga antibodies.
Kailangan umanong maging handa, sakaling patuloy na kumalat ang bagong variant sa Italya. Dahil ayon sa mga unang pag-aaral, ay hindi epektibo ang bakuna sa variat na ito, ayon sa ilang virologists.
“Hindi pa nasisigurado kung gaano malalabanan ng bakuna ang brazilian variant. Tila ang mga antibodies ay epektibo lamang ng 30%. Ito ay nangangahulugan ng 70% ang higit na lakas nito kaysa sa bakuna”, ayon pa sa ilang virologists.