in

Bagong variant ng Covid19, naitala ang 145 cases sa Italya

Bagong variant ng Covid19 sa Italya Ako Ay Pilipino

Pinangangambahan ang pagkalat ng mga bagong variant ng Covid19 sa Italya. Ito ay dahil na rin sa naitalang 145 cases nito sa bansa.

Sa kabila nito ay kulang pa rin ang sapat na kaalaman ukol sa mga bagong variant. Bukod sa pagkakaroon ng mas mataas na viral load at mas mataas ang transmissibility nito hanggang 70%, ay kailangan pang tuklasin sa pamamagitan ng mas malalim na pag-aaral ang ukol sa mga ito. 

Ayon sa mga pinakahuling ulat, ay naitala ang 145 cases ng bagong variant ng coronavirus sa Italya. 

Halos lahat, 143 ay UK variant, ang B.1.1.7 na nagreresulta na pinaka-kalat sa kasalukuyan sa bansa. 

Partikular, ang UK variant na naitala sa mga sumusunod na rehiyon:

  • Abruzzo: 93 kaso,
  • Campania: 14 kaso,
  • Puglia: 12 kaso,
  • Lazio: 10 kaso,
  • Veneto: 5 kaso,
  • Toscana: 4 kaso,
  • Marche: 3 kaso,
  • Piemonte: 2 kaso,

Samantala, mayroon ding naitala na Brazil variant sa Friuli Venezia Giulia at isang kaso ng South Africa variant sa Lombardia. Ito ay natuklasan lamang kamakailan matapos lumabas ang resulta ng swab test sa Varese hospital. Nag-positibo ang isang tao na kababalik lamang mula Africa. 

Sa bilang na nabanggit, ay hindi kasama ang mga naitala sa ibang lugar. Ito ay dahil ang pagbibigay ng resulta ng mga lab test matapos ma-isolate ang variant ay volunteer basis. Sa katunayan, sa bilang ay idadagdag ang 19 na kaso ng UK variant sa Trentino Alto Adige at Lombardia. 

Upang maiwasan ang pagkalat ng mga bagong variant, ay nagpalabas ng Circular kamakailan si Health Minister Roberto Speranza.   

Bigyang priyoridad ang pagsasaliksik at pamamahala sa contact tracing ng Covid-19 na hinihinalang mga kaso ng bagong variant. At agad na kilalanin parehong ang mga high risk contact at low risk contact”. 

Ang European Center for Disease Prevention and Control(ECDC) ay nagbigay din ng mga indikasyon sa pagtuklas ng mga variant. Ang rekomendasyon, ay ang pagkakaroon ng 500 samples weekly ngunit bigyang priyoridad ang ilang kategorya tulad ng: 

  • Nag-positibo matapos mabakunahan,
  • Mga taong mula sa mga bansang nagtala ng mataas na bilang ng infected ng vìbaging variant,
  • Mga ospidal,
  • At lugar kung saan nagtatala ng bilang pagtaas sa bilang ng mga bagong kaso. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Benepisyo o bonus na matatanggap ngayong Pebrero 2021

Kulay ng mga Rehiyon Italya Ako Ay Pilipino

Pagbabago sa kulay ng mga Rehiyon simula Feb. 8, 2021