in

Bahagi ba o hindi ng ‘nucleo familiare’ ang miyembro ng pamilya ng dayuhan na naiwan sa sariling bansa?

Inaasahang magpapasya ang EU Court of Justice ukol sa karapatang ipinagkakaloob ng EU at ng pinaiiral na batas sa Italya (artikulo 2, talata 6 bis ng Batas 153/88) partikular ang hindi pagbibigay ng assegno nucleo familiare (ANF) sa mga miyembro ng pamliya ng dayuhan, naiwan sa sariling bansa.

Ang nabanggit na regulasyon ay ipinatutupad lamang sa mga dayuhang residente dahil ang mga miyembro ng pamliya ng mga Italians at Europeans na residente sa labas ng Italya ay itinuturing pa rin na bahagi ng tinatawag na ‘nucleo familiare’.

Ito ay pinagmulan ng pagdududa ukol sa ‘diskriminasyon’ na hatid ng pagpapatupad ng batas. Ito ay itinaas sa Supreme Court upang alamin at suriin ang prinsipyo ng pagkakapantay ng mga mamamayan:  sa pagitan ng mga dayuhang mayroong permesso unico lavoro at permesso per lungo soggiornanti at sa pagitan ng mga dayuhan at Italians.

Para sa mga Italians at Europeans, itinuturing na miyembro ng pamilya o ng ‘nucleo familiare’ ang aplikante, asawa ng aplikante at anak hanggang 18 anyos ng aplikante, kapisan man o hindi. Samakatwid, ang benepisyo ay natatanggap ng aplikante kapisan man o hindi ang asawa at/o anak.

Ngunit para sa mga dayuhan, may karapatan lamang sa benepisyo o tulong pinansyal kung ang mga miyembro ng pamliya ay residente rin sa Italya.

Sa pagkakaibang nabanggit ay ipinagpaliban at itinaas ang kaso sa EU Court of Justice, partikular dahil sa 2 halos magkaparehong ordinansa noong April 1, 2019.

  • l’ordinanza n.9021la Cassazione ha sollevato questione pregiudiziale diretta ad accertare se l’art. 11, par. 1, lett. d), della direttiva 2003/109/CE, del 25 novembre 2003, nonché il principio di parità di trattamento tra soggiornanti di lungo periodo e cittadini nazionali, ostino ad una legislazione nazionale in base alla quale, al fine del calcolo dell’assegno per il nucleo familiare, nel computo degli appartenenti al nucleo familiare vanno esclusi i familiari del lavoratore di Stato terzo soggiornante di lungo periodo, qualora gli stessi risiedano presso il paese d’origine, al contrario di quanto previsto per i cittadini dello Stato membro.
  • l’ordinanza n. 9022la Cassazione ha sollevato questione pregiudiziale diretta ad accertare se l’art. 12, par. 1, lett. e), della direttiva 2011/98/UE, del 13 dicembre 2011, nonché il principio di parità di trattamento tra titolari del permesso unico di soggiorno e di lavoro e cittadini nazionali, ostino ad una legislazione nazionale in base alla quale, al fine del calcolo dell’assegno per il nucleo familiare, nel computo degli appartenenti al nucleo familiare vanno esclusi i familiari del lavoratore di Stato terzo titolare del permesso unico, qualora gli stessi risiedano presso il paese d’origine, al contrario di quanto previsto per i cittadini dello Stato membro.

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pambansang Pagkilos at Selebrasyon para sa Araw ng Paggawa, sa Bologna Idinaos

Reddito di Cittadinanza Ako Ay Pilipino

Higit sa 60,000 RdC cards, hawak ng mga dayuhan