in

Bakas ng Covid19 sa mga pampublikong transportasyon, kumpirmado

Kumpirmado ang mga bakas ng coronavirus sa mga public transportation, partikular sa mga bus at tren. 

Ito ang natuklasan ng Nas Carabinieri, sa pamamagitan ng isang kasunduan sa Ministry of Health, na pagsasagawa ng mga kampanya ng pagsusuri sa buong bansa ng tamang pagpapatupad ng mga preventive measures anti-Covid19 sa mga pampublikong transportasyon. 

Sa pakikipagtulungan sa mga lokal na Asl, mga ahensya ng environment protection and university institutions, ang mga militar ay nagsagawa ng 756 pagsusuri at mga test sa mga surfaces ng mga bus at tren tulad ng hawakan ng mga pasahero, pindutan para sa request ng pagbaba, upuan, ticket validation machines sa mga pampublikong transportasyon sa Roma, Viterbo, Rieti, Latina, Frosinone, Varese at Grosseto. At sa ginawang pagsusuri ay 32 ang naitalang positibo sa presensya ng virus sa loob ng mga pampublikong transportasyon. Ang pagbibiyahe ng mga infected individuals sa mga bus at tren ay nag-iiwan ng mga bakas ng virus sa loob ng mga ito “kahit na ito ay hindi nagpapakita ng pagiging malakas ng virus”

Sa 693 pampublikong transporatasyon tulad ng mga bus – urban at extraurban, metro, scuolabus, sala d’attesa, stasyon ng metro, biglietteria, 65 ang nakitaan ng irregularities o hindi pagsunod sa mga ipinatutupad na protocols, tulad ng hindi paglilinis o hindi pagdi-disinfect, kawalan ng mga anunsyon o impormasyon ukol sa tamang pag-uugali sa panahon ng covid19, kawalan ng anunsyo ukol sa maximum na bilang ng tao sa bawat bus, kawalan ng mga spacer na inilagay sa mga upuan para sa social distancing, kawalan ng disinfectant gel dispensers o ang hindi paggana ng mga ito. 

Sa kabuuan, 4 na mga tagapamahala ng mga kumpanya ng transportasyon ang na-ireport sa karampatang mga awtoridad sa hindi pagsunod ng mga preventive measures para sa kaligtasan at kalinisan ng mga empleyado nito. Namultahan ang 62 katao dahil sa mga nadiskubreng irregularities at mamumulatahn hanggang halos €25,000. 

Ang gagawing pagkokontrol ng Nas Carabinieri ay magpapatuloy upang maprotektahan at mabantayan ang kalusugan ng mga mamamayan at pamayanan sa panahon ng pandemya. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bonus colf e badanti 2021 ng Regione Lazio, simula na ng aplikasyon! Narito kung paano.

Bagong regulasyon ng Italya sa mga babalik mula Europa, pinalawig