Sa paglalagay sa nationwide lockdown ng bansa simula noong March 10 ay lalong pinaigting pa ang mga pinaiiral na paghihigpit batay sa decreto Io Resto a casa na literal na nangangahulugang Stay at home. Ito ay ipatutupad hanggang April 3.
Ito ay upang iwasan ang mga hindi mahalagang dahilan ng paglabas ng bahay ng mga mamamayan at ang pananatili sa kani-kanilang tahanan.
Ayon sa nabanggit na decree ay pinahihintulutan lamang, tulad ng unang inilathala ng Akoaypilipino, ng paglabas ng bahay ang mga dahilan ng:
- Trabaho
- Kalusugan o anumang emerhensya
- Ibang mahahalagang bagay tulad ng pamimili o pagbili ng gamot o pagpunta sa bahay ng magulang o kapatid.
Ang piniling dahilan ng sirkulasyon ng paglabas ng bahay ay kailangang patunayan sa pamamagitan ng isang form o autocertificazione na maaaring dala ng mamamayan o magmumula sa mismo sa awtoridad sa araw ng kontrol.
Ang mapapatunayang lalabag sa nasasaad sa decree ay bibigyan ng multa hanggang € 206 o 3 buwang pagkakakulong.
Ipinapayong huwag lagyan ng petsa o date ang form at ilagay lamang ito sa araw ng kontrol. Kapag ito ay may petsa ay balido lamang ito sa araw na iyon.
Narito ang halimbawa kung paano sagutan o gawin ang autocertificazione.