Bago magtapos ang vaccination campaign, ay nagbibigay ng pagkakataon ang Regione Lombardia sa mga hindi regular at naghihintay maging regular na imigrante sa Italya ang makapag-book ng bakuna kontra Covid.
Sa katunayan, simula noong nakaraang Biyernes, June 25 – ang mga dayuhang mamamayan – tulad ng nasasaad sa isang komunikasyon ng Lombardy Region – na naghihintay na matapos ang proseso ng Regularization o Emersione at ang mga dayuhang walang regular na permesso di soggiorno na mayroong STP na nasa Lombardy Region ay magkakaroon na ng access sa booking ng bakuna kontra Covid, direkta sa platform ng rehiyon. Para sa mga nabanggit, ay magsisimula ang pagbabakuna sa mga hub o vaccination centers, at samakatwid ay magkakaroon ng araw, petsa at lugar ng kanilang appointment para sa bakuna kontra Covid.
Paano gagawin ang booking? Narito ang mga hakbang
Sa pamamagitan ng nabanggit na komunikasyon ay ipinaalam din ng Lombardy Region ang step-by-step process kung paano makakapag-book sa pamamagitan ng platform sa link na ito: https://www.prenotazionevaccinicovid.regione.lombardia.it.
- I-clikc ang “prenota il vaccino”. Sa puntong ito ay magbubukas ang page na “gestione per il vaccino anti-Covid”
- Pagkatapos ay pillin ang “se sei uno straniero in possesso del codice STP o di un Codice univoco a 11 cifre emesso dalla prefettura, effettua una richiesta di abilitazione alla prenotazione al seguente link”.
Partikular para sa mga dayuhang manggagawa na nag-aplay ng Emersione o Regularization, matapos ang pre-registration ay kailangang piliin mula sa menu ang angkop na kategorya at ilagay ang codice univoco na binubuo ng 11 digits na nagmula sa prefettura. Pagkatapos ay ideklara na nabasa ang Informativa Privacy at i-click ang Accedi. Sa puntong ito maaaring magpatuloy sa pagpili ng appointment at ikumpirma ang petsa, oras at lugar ng bakuna.
Samantala para sa mga dayuhang undocumented at mayroong STP ay kailangang pillin ang angkop na kategorya at ilagay ang codiec STP. At ang mga susunod na hakbang ay katulad ng nabnaggit sa itaas.
PAALALA: Bawat rehiyon ay may kanya-kanyang platform para sa booking ng appointment ng bakuna kontra Covid. Inaasahan ang nalalapit na paga-activate ng platform ng lahat ng mga Rehiyon sa bansa para sa mga hindi regular at naghihintay maging regular na mga dayuhan, dahil ang bakuna kontra Covid ay karapatang para sa LAHAT.
Basahin din:
- STP, ang health code para sa mga undocumented sa Italya
- Undocumented, may karapatan bang mabakunahan kontra Covid19 sa Italya?
- Naghihintay ng Regularization, maaari bang magpabakuna kontra Covid19 sa Italya?