Inanunsyo ng German pharmaceutical company BioNTech, sa pakikipagtulungan ng Pfizer, na inaasahang ilalabas sa Hunyo ang bakuna kontra Covid19 para sa mga kabataang may edad mula 12 hanggang 15 anyos.
Nasa final phase na umano ng preparasyon para sa paghingi ng awtorisasyon mula sa European Medicine Agency (EMA) ang bakuna kontra Covid, ayon kay Biontech CEO Ugur Sahin. At ayon sa mga unang clinical trials ay nagpakita na ang bakunang Biontech ng pagiging epektibo ng 100% sa mga teenagers mula 12 anyos pataas.
Gayunpaman, ang pagsusuri sa mga katibayan ng Bakuna kontra Covid para sa mga kabataan mula sa hanay ng EMA ay maaaring tumagal mula apat hanggang anim na linggo.
Kung magpapatuloy umano ang sitwasyon at hindi magkakaroon ng anumang balakid sa paglabas ng awtorisasyon, ang mga kabataan mula 12 anyos ay maaaring mabakunahan sa Germany hanggang summer vacation.