in

Bakuna kontra Covid variants, inaasahang aaprubahan hanggang September 2022 

Inaasahang aaprubahan hanggang September 2022 ng European MedicineAgency o EMA ang unang bakuna kontra Covid variants. Ito ay ayon kay Marco Cavaleri, ang vaccine task force head ng EMA, sa isang virtual press conference. Aniya, sa ngayon, ang mga nangungunang bakuna ay ang mRna. Nananatiling priyoridad ang masigurado ang pagbbigay awtorisasyon sa lalong madaling panahon, upang masimulan ang vaccination campaign sa Europa bago sumapit ang autumn. 

Ayon pa kay Cavaleri, sinimulan ng EMA na suriin ang aplikasyon ng Moderna para sa awtorisasyon na palawigin ang paggamit ng anti-Covid vaccine nito, ang Spikevax, sa mga bata sa pagitan ng edad na 6 na buwan at 5 taon. Aniya, ito ang unang aplikasyon ng awtorisasyon para sa edad na nabanggit, Samantala, para sa Nuvaxovid, ang anti-Covid protein vaccine mula sa American Novavax – ay sinusuri pa hanggang ngayon ang patunay para sa pagbibigay rekomendasyon sa paggamit nito sa mga kabataan sa pagitan ng edad 12 at 17 anyos.

Nakapagsalba ang bakuna ng halos kalahating milyong buhay ng mga over 60s, ngunit masyadong maaga pa upang sabihing ibibigay din ang fourth dose ng bakuna sa Covid mRna sa buong populasyon. Kinumpirma ni Cavaleri na ang mga over 80s ay maaaring bigyan ng second booster dahil sila ay mas nasa panganib magkaroon ng malalang epekto ng Covid.

Idinagdag pa ni Cavaleri na 50% lamang ng mga Europeans ang nakatanggap ng kumpletong bakuna at booster, habang 15% ng over18 naman ang hindi nakatanggap ng kahit isang dosis ng bakuna kontra Covid. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 1]

Pagbabawal magpunta sa ibang Rehiyon Ako Ay Pilipino

Bonus Trasporto ng Decreto Aiuti, para sa mga manggagawa at mag-aaral 

Bonus €200,00, matatanggap din ng mga colf!