Ang sinumang nag-aalaga sa mga ‘mahihina’ ay may prayoridad din sa bakuna. Sa bagong vaccination plan ng Italya ay nasasaad ang ilang kategorya bilang prayoridad, kasama na dito ang mga ‘caregivers’ o badante, na nag-aalaga sa mga person with disabilities, ngunit sa mga malalang sitwasyon lamang, libre o may kontrata sa paraang tuluy-tuloy, kasama ang mga miyembro ng pamilya ng may kapansanan.
Ito ay kinumpirma ni bagong Covid19 Emergency Commissioner Francesco Paolo Figliuolo sa isang tv transmission kamakailan.
Kasama sa prayoridad ang mga nag-aalaga sa may mga certified disability. Bagaman ito ay nagtatanggal sa malaking bahagi ng mga caregivers sa Italya, na tinatayang may kabuuang bilang na 460,000 ang mayroong regular na kontrata, ayon sa Assindatcolf o Associazione Nazionale dei Datori di Lavoro Domestico.
“Ang bagong vaccination plan ni Commissioner Figliuolo ay isang mahalagang hakbang bagaman ito ay parsyal na hakbang lamang”, ayon sa deklarasyon ni Andrea Zini, ang presidente ng Assindatcolf, dahil ito ay sumasaklaw lamang sa mga caregivers na tuluy-tuloy na nag-aalaga sa mga may malalang kapansapanan.
Nananatiling hindi kasama sa priyoridad ang mga domestic workers – caregivers – na nag-aalaga din ng mga matatanda na maituturing din na ‘mahihina’.
Gayunpaman, ayon kay Zini, kumakatawan ito sa bilang una at mahalagang hakbang tungo sa pagpapatupad ng mga panukalang isinulong sa gobyerno kasama ang mga labor unions ng CCNL
“Patuloy kaming kakatok sa Gobyerno ni Draghi at sa Commissioner upang ang lahat ng mga manggagawa sa sektor ay mapabilang sa mga prayoridad: mula sa mga colf hanggang sa mga babysitters, lalong higit ang mga wrokers na patuloy na naglilingkod sa mga zona rossa sa pagsasara ng mga paaralan sa lahat ng antas”, pagtatapos ng presidente ng Assindatcolf.
Basahin din:
(PGA)